May 23, 2025
Miss Universe Pia Wurtzbach returns on January 23 with a warm welcome
Home Page Slider Latest Articles

Miss Universe Pia Wurtzbach returns on January 23 with a warm welcome

Jan 7, 2016

by PSR News Bureau

Pia Wurtzbach6Ikinakasa na ang isang bonggang welcome para sa nalalapit na pagdating ni Miss Universe Pia Wurtzbach sa bansa sa daring na January 23. Mahigit dalawang buwan ding naglagi si Pia sa Amerika matapos nitong mapanalunan ang Miss Universe 2015 crown. Bago umuwi ng bansa si Pia, nakatakda muna itong dumaan sa Indonesia kung saan mayroon siyang gagawing isang charity event na panimula ng kanyang reign bilang bagong Miss Universe.

Sa kanyang pagdating, siguradong magiging busy rin ang beauty queen dahil sunod-sunod ang kanyang schedule of activities. Naghahanda na nga ang Bilibining Pilipinas Charities Inc. [BPCI] ng isang engrandeng pagsalubong sa bagong reyna. Sa Linggo, January 24, nakatakda naming humarap si Pia sa local media para sa isang grand press conference. Magkakaroon din si Pia ng isang motorcade sa Araneta Center. Bibigyan din siya ng isang grandiosong tribute na magaganap naman sa Huwebes, Janury 28 sa Araneta Coliseum.

Wala naming problema kay Pia kung napakarami niyang ginagawa sa kasalukuyan. Naging instant celebrity na nga raw siya maging sa Amerika. Kahit saan daw ito magpunta ay kabi-kabila ang nais magpakuha ng litrato kasama siya, mayroon na rin nga daw ilang paparazzi na sumusunod sa kanya. Bagamat kulang sa tulog dahil lagi daw maaga ang call time niya magmula nang maging Miss Universe siya, hindi naman daw siya nagrereklamo. “I’ve waited for so long to be where I am now. Antagal nga naman ng hinintay ko at ang dami kong Pia Wurtzbach 7isinakripisyo. Workaholic naman talaga ako, so okay lang,” sabi ni Pia.
“Sanay na ako na parang kailangan araw-araw kailangan kong kumilos. Gusto kong lagi akong may ginagawa. Nararamdaman ko nga na excited ako to go back to work.”

Ayon pa kay Pia, matagal na niyang hiniling at panalangin sa Diyos na makamtan ang pangarap niyang maging isang Miss Universe. “Palagi akong nasa Baclaran. Halos lumuhod ako dun, ‘Universe please.’ Paulit-ulit ako na parang nagmamakaawa, ‘Miss Universe, please,please.’ Para na akong baliw talaga.”

Pia Wurtzbach 3The rest as they is history. Pagkatapos ng tatlong beses na pagsali sa beauty pageant, nanalo rin si Pia at nakuha nito ang pinakaaasam-asam na pangarap. Ngayon lang daw naiintindihan ni Pia kung bakit kinailangan niyang dumaan muna sa maraming pagsubok. “Alam naman natin na sa Pilipinas, hindi naman ako naging kasing sikat ni Bea Alonzo na dati kong kapanabayan. Minsan naiisip ko, ‘Bakit kaya hindi?’ Kasi tingin ko sa sarili ko, very diligent naman ako lalo na sa training ko sa trabaho. Consistent naman din ako. Pero hindi talaga ako nag-boom as an actress dati. Na-connect ko na kung bakit hindi para sa akin yung larangan na iyon, kasi may mas malaki pala akong misyon. Dito pala ako mapupunta ngayon.”
Laking pasasalamat daw niya sa Diyos sa pagtupad sa kanyang kahilingan at panalangin. “Puro pagpapasalamat na lang ako ngayon. Siguro kung may kahilingan pang isa, yung last request ko ay bigyan ako ng strength at wisdom to make the right decisions all the time.”

Mula sa amin sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph), welcome back Pia and thank you for making us proud

Leave a comment

Leave a Reply