
Mocha responds at Ogie, Edgar’s statement
Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) board member, Mocha Uson answered Ogie Diaz and Edgar Allan Guzman’s statement against her.
In her facebook blog, Uson commented on ABS-CBN’s programs that showed sensual scenes that led Diaz and Guzman to speak up.
Uson to Guzman
“Wala akong sinabing basura ang programa mo o ang acting mo.
“Sana pinanuod mo muna yung FB LIVE ko bago ka nagsalita.
“Ipinalabas ang ‘rape scene’ ng Ipaglaban Mo na hindi ni-review ng MTRCB dahil may tinatawag na SELF-REGULATION ang TV NETWORKS na aking tinututulan.
“Noong ipinalabas ang ‘rape scene’ na yun ay nagkaroon ng NEGATIBONG REAKSYON ANG MGA MANUNUOD at kanilang tinawag ang aking pansin bilang board member ng MTRCB.
“Ang tanong ng mga magulang/manunuod ay kung paano ito nakalusot sa MTRCB at naipalabas sa TV dahil ang violent rape scene na ito ay hindi naaangkop sa kabataan.”
Uson to Diaz
“Isa pa itong SHOWBIZ REPORTER sabi niya bakit daw SEXY lang ang issue ko sa TV.
“FYI Mr. SHOWBIZ REPORTER hindi lang po sexy ang issue ko nagkataon lang kabisado ko ang SEXY SCENES sa mga pelikula at programa dahil dati akong sexy artist.
“Alam ko po kung nagpapatigas lang ng kalamnanan ng tao o kasama talaga sa istorya ang isang seksing eksena.
“WAG NA TAYONG MAG LOKOHAN. Minsan gusto lang mag ka issue ang isang programa para pag-usapan at mas mabenta ito sa manonood. Hindi mo kailangan ng degree para malaman kung ang isang eksena ay may intension palibugin lang ang viewers.
“Pasensya na kayo yan ang past role ko sa mga pelikula kaya alam ko yan. Kaya diyan ako naka-focus. Pero hindi ko sinasabi yan lang ang dapat sitahin.”