May 25, 2025
“My mom said I have to make my mark in showbiz, I can’t just cruise along, then leave and ride. I can’t do that without challenging roles, without pushing myself to be the best and ABS-CBN can do that for me.” – Isabelle Daza
Latest Articles T.V.

“My mom said I have to make my mark in showbiz, I can’t just cruise along, then leave and ride. I can’t do that without challenging roles, without pushing myself to be the best and ABS-CBN can do that for me.” – Isabelle Daza

Apr 15, 2015

by PSR News Bureau

Matapos niyang lumipat mula sa kabilang TV station, isa na ngang ganap na Kapamilya si Isabelle Daza. Handa na ang dalaga sa pagsabak sa kauna-unahan niyang teleserye sa ABS-CBN via “Nathaniel” kung saan makikipag-tagisan siya ng talento sa pag-arte kasama nina Gerald Anderson, Shaina Magdayao, Ms. Coney Reyes at ang pinakabagong tuklas na child star na si Marco Masa.

Isabelle Daza 01

Nakapanayam ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) si Isabelle sa isang mini conference kung saan ipinakikilala si Isabelle bilang bagong Kapamilya star.

Naitanong naming sa kanya kung sino ang naghimok sa kanya upang lumipat sa Kapamilya network at ito ang kanyang naging tugon:

“Ang paglipat ko ay sarili kong desisyon. Pero aaminin ko na naging malaking factor ang mommy ko since matagal na siyang nandito. Sabi kasi ng mom ko, I have to make my mark in showbiz, I can’t just cruise along then leave and ride. I have to do something na tatatak sa puso ng mga tao. According to her, “You can’t do that without challenging roles, without pushing yourself to be the best and ABS-CBN can push you.” So parang for me, it’s like, Wow! It has a huge impact on me.”

Hindi batid nang marami na bata pa si Isabelle ay nahasa na ito sa larangan ng pag-arte dahil sa pagiging aktibo nito sa Repertory Philippines. Ang Repertory Philippines din ang naging pandayan ng mga batikang aktres sa larangan ng teatro gaya nina Lea Salonga at Monique Wilson na pawang naging produkto ng Miss Saigon. Kaya’t kung pag-arte rin lang ang pag-uusapan, mayroon namang ibubuga ang dalaga ni dating Miss Universe, Gloria Diaz.

Naka-adjust ka na ba sa transition ng iyong paglipat? Kumusta ka naman mula ng lumipat ka sa ABS-CBN?

“The transition has been good. Of course, at first, I was a bit nervous. I thought ABS-CBN kasi is intimidating, pero hindi naman pala. Challenge din para sa akin yung acting workshops that I had to go through. I had taken a lot of workshops around five hours a day. The workshop itself was something I consider as a challenge and an honor.”

“It’s a good thing I’ve friends here din naman, the likes of Iza (Calzado) and Karylle who used to be with the other network as well. There’s also Luis (Manzano) and Billy (Crawford) whom I used to work with for an apparel brand, and there’s also Enchong (Dee) whom I knew from school. And of course, Kuya Kim (Atienza) whom I used to train with for triathlon.”

“Big deal din for me yung first TV project ko na “Nathaniel” kasi it’s going to be aired on primetime. Hindi lahat kasi nabibigyan ng opportunity na ganito. I also find ABS-CBN staff as very meticulous when it comes to work, which is really good.”

Masaya rin si Isabelle na nagkaroon na siya ng pagkakataong makagawa ng isang episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK). Kuwento pa niya, “There was one time, I did all 13 sequences of MMK na super iyak na talaga. Sa umpisa, madali lang, pero pag ganun na katagal, ang hirap na umiyak. Parang I’ve dried up my tears. Until si Direk Jerry Sineneng walked up to me, shouted at me and said, “Akala ko ba gusto mong mag-artista? Ayaw mo na? Hindi mo na ba iyan kaya? Para iyan lang?” Of course, at that time I didn’t had a clue it was his motivation to make me cry. So after that sobrang umiyak na ako during the take, because what direk said had motivated me. After the said scene, I tried to apologize, then nagulat ako, bale wala kay Direk. Sabi pa niya, “Look, ang galing-galing mo nga sa eksena,” tapos naka-smile na siya.”

Para kay Isabelle, magagaling na Kapamilya stars sina Bea Alonzo (She’s amazing!), Angelica Panganiban at kay Shaina Magdayao. Gusto rin niyang makatrabaho ang ilang aktor mula sa ABS-CBN gaya nina Piolo Pascual, Paulo Avelino (na kaibigan daw niya), John Lloyd Cruz at kung sino pang ibang maaaring ipareha sa kanya. “Preferably, mas matangkad sa akin, pero kung hindi man, okay rin naman din.”

Isa lang ang hindi niya gustong gawin, ang mag-guest sa “It’s Showtime.” Hindi sa ano pa man, pero ayon na rin kay Isabelle, “My Eat Bulaga family means so much to me. It’s a mutual respect. I don’t feel the need to guest there although I’m friends with people like Billy, Kuya Kim and Anne. I don’t think ABS naman is going to make me do something which I’m not comfortable with.” Galing kasi si Isabelle sa noontime show na Eat Bulaga mula sa kabilang istasyon kaya’t bilang paggalang nga naman sa mga dati niyang nakasama ay ayaw niyang mag-guest sa “It’s Showtime!” na katapat mismo ng pinanggalingang palabas.

Ayon pa kay Isabelle, excited siya na mapabilang sa teleseryeng “Nathaniel” dahil pawang mahuhusay ang kanyang mga makakasama dito. “Ayokong mapag-iwanan, kaya ginagawa ko nang maayos yung role ko at patunayan yung sarili ko bilang aktres.”

Ano ang role mo dito at gaano ito kalapit sa tunay na pagkatao mo?

“I play the role of a lawyer named Martha. Medyo sexy na fashionista siya. Actually, medyo bida-kontrabida ako dito. I don’t want to reveal much pero abangan nyo na lang. Basta my role is somewhat evil pero may redeeming factor naman siya by the end of the story. She’s not someone you’ll hate naman, hindi siya ganung type ng villain. Malayo rin siya sa akin in real life kasi nga hindi naman ako ganun,” pahayag pa ng aktres.

Umiikot ang kwento ng “Nathaniel” sa isang anghel na bumaba mula sa langit. Sa tunay na buhay ba’y naniniwala ka sa presensya ng anghel?

“Yes, I believe in angels. One time, nung bata pa ako, I was riding a scooter in our farm. Nagda-drive ako, I was on a cliff, tapos I lost control of the steering wheel. Yung dulo nun was filled with barb wires. Buti na lang there was a log that stopped my scooter. Feeling ko I was saved by an angel. Para sa akin yung angel ko was my Lola who passed away. My mom totally freaked out when she learned about that.”

Marami pang dapat abangan na proyekto ni Isabelle. Pero sa ngayon, ang “Nathaniel” ang magiging unang proyekto niya sa ABS-CBN.

Sinisiguro pa ni Isabelle, “Dapat abangan ng TV viewers ang “Nathaniel” kasi maganda ang kuwento nito at tiyak na kapupulutan ng maraming aral ng mga kabataan at ng buong pamilya.”

Ang “Nathaniel” ang pinakabagong drama series ng ABS-CBN. Ito ay iikot sa kwento ni Nathaniel (gagampanan ng bagong tuklas na child star na si Marco), isang anghel na bababa sa lupa para misyon na ibalik ang pananampalataya ng mga tao sa Diyos at ipaalala ang kahalagahan ng kabutihan sa puso ng bawat isa.

Isang maituturing na powerhouse cast ang bumubuo ng “Nathaniel” dahil kabilang rin dito sina Pokwang, Benjie Paras, Jayson Gainza, Ogie Diaz, Sharlene San Pedro, Jairus Aquino, Yesha Camile, at ang kambal na produkto ng Pinoy Big Brother na sina Fourth at Fifth Solomon. Ang “Nathaniel” ay mula sa direksyon nina Darnel Joy Villaflor at Francis Pasion.

Ang “Nathaniel” ay mula sa produksyon na lumikha ng mga dekalibre at top-rating inspirational drama series gaya ng “May Bukas Pa,” “100 Days to Heaven,” at “Honesto.”

Magsisimula ang “Nathaniel” ngayong Abril sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng nasabing programa, bisitahin lamang ang kanilang official social networking site ng Dreamscape Entertainment Television sa www.Facebook.com/DreamscapePH. Twitter.com/DreascapePH, at Instagram.com/DreamscapePH.

Leave a comment

Leave a Reply