May 22, 2025
Mon Confiado does “method acting”
Latest Articles

Mon Confiado does “method acting”

Mar 7, 2018

Isang erotic-drama ang pelikulang “El Peste” (isa sa finalists sa Sinag Maynila na magaganap sa March 7-15 na mapapanod sa piling SM cinemas sa Metro Manila) na pinagbibidahan ng mahusay na aktor na si Mon Confiado mula sa direksyon ng mahusay na direktor, Richard Somes.

Bago ang “El Peste,” nagpa-sexy din si Mon sa ” Palitan” at ayon sa aktor, wala naman syang limitations sa paghuhubad as long na its done in good taste at hindi ‘yung basta na lang ginawa na walang katuturan.

“Sa akin pagdating sa sexy scenes, wala akong problema, ang problema eh ‘yung kaeksena ko kung willing din sya.

“Like dito sa ” El Peste,” may lovescene kami ni Jean Judith Javier pero takot syang gawin dahil may auntie sya na pastors. Nahihiya sya dun. Pero ginawa pa rin namin na sexy pero hindi malaswa. Kita mo napili pa nga sa SINAG MAYNILA at ipapalabas pa sa SM Cinema, di ba? So ibig sabihin, sexy sya na approved naman sa panlasa ng sinehan,” unang hirit ng aktor sa PSR.

Bago namin na interview si Mon ay nauna naming nakapanayam ang kanyang direktor na si Richard Somes.

Sabi nito, nung sinusulat niya ang script, si Mon lang ang nasa isip niya for the role. Walang iba kundi si Mon lang. Sobra ang paghanga at tiwala sa kanya ni direk bilang isang aktor. Anong masasabi niya sa mga papuring ‘yun sa kanya ng direktor?

received_10211033364007164

“Well, the feeling is mutual, hanga rin naman ako kay direk bilang napakahusay din niyang direktor. Maraming pelikula na kaming pinagsamahan gaya ng Corazon (Ang Unang Aswang), Supremo, at Mariposa  kaya naman gamay na namin ang isa’t isa.

“Tanda ko noon, sinabi ni direk na may gagawin kaming movie na bagay na bagay daw sa akin ang role, ito pala yun.

“Hanga ako kay direk kasi sobra ang tiwala niya sa kanyang mga actor. Iba ang style niya. Wala kaming script, sasabihin lang niya ang eksena at kami na ang bahala kung paano gawin ‘yun. Pati sa dialogue, kami na ‘yun. Ang maganda dun, galing sa puso ang mga dialogue namin,” dagdag ng El Peste star.

25 years na si Mon at halos lahat yata ng role ay nagawa na niya at nakapagbida na rin siya sa ilang pelikula at nanalo na rin ng acting award.

Isa si Mon sa ilang aktor na hindi nawawalan ng trabaho, sa indie man o sa mainstream dahil masipag at mahal niya ang kanyang craft.

img20180221161150

Sa marami niyang pelikula, makikitang iba-iba ang looks niya base sa character na ginagampanan niya.

“Method acting ang tawag dun gaya ng ginagawa ng ibang Hollywood actor. Pag kailangang magpapayat ako for the role, gagawin ko. Pag taong grasa ang role ko, ginagaya ko talaga sila, natutulog ako sa bangketa, nakikihalubilo ako sa kanila. Kahit anong role ang ipagawa sa akin, inaaral ko ‘yun. 

“Minsan pag kailangang maiitim ako magpapaitim ako. Nagpakalbo na rin ako. Iba-ibang character talaga na kung ano ‘yung requirement for the role, gagawin ko,” pagbibida ng aktor.

Kasama ni Mon sa “El Peste” sina Jean, Alvin Anson, Leon Miguel, mga direktor na sina Jim Libiran at Tikoy Aguiluz.

received_10211033371847360

“Nagtatrabaho ako sa isang pest control company. Marami akong mai-encounter na mga Peste pati na rin ang mga Peste sa buhay ng tao. Maraming daga sa pelikula at may dahilan kung bakit,” huling pahayag ni Mon.

Leave a comment