
Monching has only one wish for ex-wife Lotlot de Leon
Usap-usapan ang pagpapakasal ng aktres na si Lotlot de Leon sa Lebanese businessman na si Fadi El Soury.
Noong Monday ay naganap ang kasalan sa San Juan, Batangas. Piling pili ang mga guest sa kasal sapagkat gusto ng mag-asawa na very intimate ang magaganap na wedding.
Almost six years nang magkasama ang dalawa. Masayang masaya nga sila at nauwi ito sa kasalan.
Kaya naman kahit mahirap matsika si Ramon Christopher (Monching palayaw niya) ay sinikap pa rin namin syang kausapin sa bithday party ni Karen Martinez kung saan isa siya sa mga bisita.
Ayon kay Monching ay matagal na niyang kakilala ang mapapangasawa ng dating dyowa.
Name-meet na niya ito sa mga gatherings.
At ang tanging wish niya sa bagong kasal na si Balot ay “Happiness.”