May 23, 2025
Monique Wilson marries her girlfriend in London
Home Page Slider Latest Articles

Monique Wilson marries her girlfriend in London

Jun 15, 2015
Monique Wilson on partner Rossana Abueva, “I am so deeply and profoundly blessed to share and touch both the skies of revolution and art with her.” PHOTO: ROSSANA ABUEVA’S FACEBOOK

By PSR News Bureau

Nauuso yata talaga ang konsepto ng ‘same sex marriage’ among our celebrities. Kung sabagay, sabi nga ng ilan, ‘harangan man ng sibat, ang pag-ibig ay sadyang makapangyarihan.’ Wala na ngang makapipigil pa sa pagpapakasal ng mga showbiz personalities ngayon. Ang mahalaga lang ay ang maisakatuparan nila ang kanilang minimithing maipahayag ang kanilang pagmamahal sa kanilang mga partner sa buhay.

Nauna nang nagpakasal ang dating TV5 executive at direktor na si Perry Intalan at ang napangasawa nitong award-winning scriptwriter na si Jun Lana sa New York. Sinundan naman ito ng kasal ng acoustic singer na si Aiza Seguerra sa napangasawa nitong si Liza Diño. Ilan lang sila sa mga nagdesisyong magpakasal sa kanilang mga ‘same sex partners.’

Nakatakda na ring ikasal sina Arnell Ignacio at ang protégé/boyfriend nitong si Ken El Psalmer matapos mag-propose ng una sa huli. Ngayon naman ay ang beteranang stage actress na si Monique Wilson ang nagpakasal sa kanyang longtime girlfriend na si Rossana Abueva.

Ikinasal ang dating ‘Miss Saigon’ alumna sa Notting Hill sa West London nitong June 14. Pinili nilang sa London ikasal dahil itinuturing na legal ang same sex marriage sa United Kingdom.

Taong 2012 nang mag-out si Monique bilang isang ‘lesbian.’ Ang kanyang naging partner na si Rossana ay isang executive director for global product management ng Standard Charter Bank na naka-base sa bansang Singapore.

Masaya ang Philippine Showbiz Republic (PSR) para kay Monique Wilson. Congratulations and best wishes!

11350238_10153175807098964_748814329_n

Leave a comment

Leave a Reply