May 22, 2025
Monsour del Rosario admires Pres. Duterte for passing RA 11214 that aims to build Philippine Sports Training Center
Latest Articles Rodelistic

Monsour del Rosario admires Pres. Duterte for passing RA 11214 that aims to build Philippine Sports Training Center

Feb 28, 2019

Masigasig at tutok sa trabaho bilang kasalukuyang Congressman ng unang distrito ng Makati si Monsour Del Rosario at ngayon ay tumatakbo bilang Vice Mayor ng naturang lungsod. 

Pero bago pa man siya naging mambabatas ay isa siyang sikat na atleta at Taekwondo Olympian kung saan dinala niya ang pangalan ng bansa. Kapag nabanggit kasi ang Taekwondo ay pangalan ni Monsour agad ang maaalala kung saan dito sa sports na ito siya nakilala bago pa man pumasok sa showbiz at pulitika. Hindi nakakapagtaka kung bakit ganoon na lang ang pagmamalasakit at pagmamahal niya hindi lamang sa taekwondo kundi sa larangan ng palakasan sa kabuuan. 

Kaya naman puring-puri niya si President Duterte sa paglagda nito sa RA 11214 na naglalayogn magtayo ng Philippine Sports Training Center. Isa rin pala ito sa mga batas na kanyang ipinasa sa Kongreso.

“Day 1 pa lang sa congress back in 2016 ay tinrabaho na namin ito. At pinagmamalaki ko na isa ako sa mga principal authors ng batas na nilagdaan ni President Duterte ngayong araw (Pebrero 14, 2019). Kakaiba ang ginawa niya. Siya lang ang Presidente na nakagawa nito. Dininig niya ang hinaing ng Sports Community, na hinaing din ng libo-libong atleta at kabataan sa bansa. Imagine – future Olympians. Kaya natin to!” ang sabi ng Chef de Mission ng Pilipinas sa 2019 SEA Games na gaganapin dito sa bansa. 

Bilang isa sa mga principal authors, nagbigay si Cong. Monsour del Rosario ng mga karampatang panukala tuwing may committee deliberation upang mapabuti ang batas na ito. 

“Ang huling sports center sa Pilipinas ay itinayo nuong 1934 – yung Rizal Memorial Sports Complex. Mas matanda pa sa parents ko!” ang sabi pa niya. “So let’s go team Pinas! Pangarap ko talagang makatuklas ng mga bagong talento! Oras na ng Pinoy!

Ginawaran ng Man of the Year Award ng World Taekwondo Federation si Monsour del Rosario noong 2017 na isang malaking karangalan. Si Monsour ang kaunaunahang Pilipino at foreigner (non-Korean) na nakatanggap ng parangal simula noong mailunsad ito sa South Korea (kung saan nagmula ang sports na Taekwondo). Maituturing na isa rin siya sa mga Pinoy na naglagay ng mapa ng Pilipinas sa mundo.

Leave a comment