May 22, 2025
Monsour del Rosario defends self from Abby’s accusations
Latest Articles

Monsour del Rosario defends self from Abby’s accusations

Jan 24, 2019

Nagsalita na si Makati Congressman at  former action star na si Monsour del Rosario kaugnay ng mga isyung ipinupukol sa kanya ng kalaban.

Iginiit kasi ng kanyang kalaban sa pulitika na wala siyang ginawa kundi asikasuhin ang kanyang pagta-taekwando mula nang maupo siya bilang public servant sa lungsod  ng Makati.

Pinabulaanan ito ng butihing kinatawan ng first district ng Makati  dahil for the record, marami siyang nagawa sa nasabing lungsod at  nakapagpasa siya ng humigit-kumulang na 51 batas sa loob  lamang ng ng kanyang termino bilang congressman ng nabanggit na distrito.

Kahit na ipinanganak sa prominenteng pamilya, maituturing na anak ng masa rin si Monsour dahil hindi biro ang pinagdaanan niyang hirap noong magpasya siyang mamalagi sa Estados Unidos.

Dala ng prinsipyo, naranasan niyang maging newspaper boy at pumasok sa iba’t-ibang odd jobs para lamang maitawid ang kanyang pang-araw-araw na buhay.

Naiintindihan niya ang pagiging ‘common’ tao dahil tulad ng ordinaryong tao, naging kaisa siya sa mga pakikibaka ng mga taong dumanas ng matinding pagsubok sa buhay.

Ilan sa naipasa niyang batas ang Telecommuting Act kung saan puwede nang nagtratrabaho sa kanilang mga bahay ay nabibigyan ng propesyunal na gabay para sa kanilang kaligtasan, oras at social security.

Sa kanyang termino rin naipatayo ang pangalawang Philippine Olympic Training Center na matatagpuan sa New Clark City na may world-class facilities pra sa ating mga atleta na nangangarap na maabot ang kanilang mga pangarap.

Siya rin ang isa sa mga nagsulong na i-extend ang validity ng passports mula lima hanggang sampung taon na ngayon ay napapakinabangan na ng ating mga OFWS at mga mamamayan.

Isa rin siya rin sa mga sponsors ng free tertiary education at universal healthcare law na naglalayong tugunan ang pangangailangan at karapatan ng isang tao sa disenteng edukasyon at pangangalagang medikal.

Hindi rin niya ikinahihiya na sabihing  isa siyang  Lola’s boy dahil  malaking bahagi  ng kanyang pagkatao ay hinubog ng kanyang  mahal na lola.

Kaya naman, kasama sa plataporma niya ang pagbibigay ng dagdag na benepisyo at serbisyo sa mga senior citizens. 

Layunin din niyang maglingkod nang walang imbot at buong katapatan na walang pinipiling serbisyuhan maging kaalyado man o kalaban. 

Naniniwala kasi siyang ang tunay na serbisyo publiko ay walang pinipiling kulay o pulitika.

Nasa programa rin niya ang paigtingin pa ang educational, medical, livelihood and burial assistance sa Makatizens. 

Si Monsour ay kumakandidatong Vice Mayor ng Makati sa May national elections

Leave a comment