
Monsour del Rosario vows to create “first class” service in Makati City
Sa Lunes, Mayo 13 ay malalaman na kung sino ang papaboran ng taong bayan sa mga kandidato sa Eleksiyon 2019. Sa mga taga showbiz, marami-rami rin ang mga tumakbo sa ibat-ibang posisyon at umaasa na magkakaroon ng puwesto at susuwertihin.
Isa si Congressman Monsour del Rosario sa mga artista na susubok muli sa pulitika. Mula sa pagiging konsehal ng Makati at pinalad na makatawid sa Kongreso ay pagiging Vice Mayor naman ng naturang lungsod ang puntirya ng kilala at nirerespetong ring sports icon. Hindi rin naman naging madali ang pinagdaanan niya bago siya nakapasok sa pulitika. Mula sa maliit na posisyon ay nakatikim din siya ng panlalait at mga batikos. Bilang artista kasi nang nagsisimula siya sa public service ay marami ang mga nakamasid sa kaniya kung kakayanin niya ang maging public servant.
Pero sa tatlong termino niya bilang konsehal ay nakitaan siya ng magandang at mahusay na trabaho. Pinatunayan niya na bilang isang artista ay kaya rin niyang maglingkod at magbigay ng totoong serbisyo publiko sa kaniyang mga nasasakupan kaya hindi nakakapagtaka na naihalal siya bilang kongresista ng 1st district ng Makati. At ito ay patunay lamang na mahal siya ng mga tao sa nasabing lungsod.
Marami naman kasing maganda at kahanga-hangang katangian at kakayanan si Congressman Monsour. Una na rito ay ang matuwid ang buhay at puwede ring tawaging Mr. Clean. Oo, wala kasi siyang bisyo at mabuting ama at asawa ang actor politician. Never na nasangkot sa kontrobersiya, iskandalo at hindi mahilig sa gulo. Of course, hindi rin naman siya perpekto dahil minsan bilang tao ay nagkakamali rin siya.
Isa kami sa magpapatunay na sa ilang araw na nakasama namin siya bilang parte ng kaniyang team ay nakagaanan namin siya agad ng loob. Ang akala mo na yung personalidad niyang astig at mukhang suplado ay napakahirap abutin pero hindi pala. Kapag nakilala mo siya ay mapapa-wow ka sa kaniyang kabaitan at pagiging humble. Ituturing ka agad na kapamilya at pagkakatiwalaan ka maging sa mga itinatago niyang sikreto sa buhay.
Isa pa, hindi mo mararamdaman na malaki siyang personalidad kapag kausap mo at kasama mo siya dahil hindi niya ipinararamdam na mataaas siyang tao. Ni wala nga kaming nakitang bodyguard niya sa pagsama namin sa kaniyang mga kampanya. In short, di siya mayabang at ma-epal. Ang maganda pa sa kaniya ay marunong siyang mag-appreciate sa mga nagagawa mo sa kaniyang pabor. Kahit pagod, busy, stress ay naglalaan siya ng panahon para magpasalamat sa alam niyang pamamaraan.
Mayroon pa sana kaming ibabahagi kay Congressman sa personal niyang buhay pero siyempre kukulangin ang espasyo natin. Siguro, ay dapat na lang siyang palakpakan bukod sa pagiging mabuting tao ay ang hindi niya pagpapabaya sa kaniyang tungkulin bilang public servant. Mula sa pagiging konsehal hanggang congressman na marami talaga ang natulungan niya sa kaniyang medical assistance, livelihood assistance, social development projects at burial assistance. Hindi pa kasama rito ang mga naipasa at mga naisulat niyang batas na marami ang makikinabang.
Kung mananalo siyang Vice Mayor ay isa sa pagtutuunan niya ng pansin ang kalusugan ng mga tao. Titiyakin niya na wasto at sapat ang gamit, gamot at serbisyo ng Ospital ng Makati na hindi nagawa ng dating administrasyon. Isa lamang yan dahil marami siyang gustong gawin sa lungsod. Malaki kasi ang budget ng Makati kada taon na dapat lamang ay mapunta sa mga tamang proyekto na makikinabang ang mga tao.
“Pangarap ko na magkaroon ng First Class na serbisyo dito sa Makati. Yung hindi na pahihirapan ang mga tao. Hindi ka papapilahin nang pagkahabahaba para lang sa medical assistance.
“First Class na edukasyon, hindi lang basta bigay nang bigay ng kung anu-ano, kundi sa kalidad mismo. First Class na public facilities. First Class na peace and order! Lahat yan, kayang kayang gawin dahil may 18 billion na budget kada taon ang Makati.”