
‘MPK’ finds Earl this Saturday
Isa sa mga bumubuo bilang babae ay ang pagkakaroon ng sariling pamilya, anak at ang pagiging isang mabuting ina.
Ngunit paano kung ang iyong pinakamamahal na anak ay mawalay sa iyo nang sapilitan at ‘di mo alam kung sino ang may kagagawan?!
Mayo 27, 1997, habang naglalaro sina Earl (na noon ay dalawang taong gulang pa lamang) at ate nitong si Patty (noon ay seven-years old) naisipan nilang dalhan ng mga napitas na bulaklak mula sa kanilang bakuran ang inang si Laurie na noon ay nasa loob naman ng kanyang kwarto.
Hindi inaakala ni Laurie na iyon na rin pala ang huling pagkakataong makikita nya ang anak nitong si Earl.
Labing siyam na taon na ang lumipas ngunit ‘di pa rin nahahanap ng pamilya Dollente si Earl.
Kaya naman naisipan ni Laurie na i-post sa social media ang litrato ng anak noong dalawang taong gulang pa lang ito at nagbabakasakaling makita ito ng binatang si Earl at maging tulay upang mabuo at magkasama-sama muli sila bilang pamilya.
Tunghayan ang pagiging matatag ng isang pamilya sa likod ng mga pagsubok na kanilang hinaharap na pangungunahan nina Gabby Concepcion (bilang Ernest) at Snooky Serna (bilang Laurie).
Makakasama rin nila sa episode sina Kate Valdez (dalagang Patty), Kyle Ocampo (dalagitang Patty), Leanne Bautista (7-year old Patty), Prince Villanueva, Jude De Jesus, Carl Cervantes at Euwenn Mikael Aleta (biang Earl).
Ang “Finding Earl: The Dollente Family Story” ay sa ilalim ng mahusay na direksyon ni Bb. Joyce Bernal, mula sa panulat ni Agnes Gagelonia-Uligan at pananaliksik nina Angelito Launo at Cynthia delos Santos.
Mapapanood ito sa Sabado, July 4 sa GMA.