
‘MPK’ host Mel Tiangco recalls touching moment with a subject
Mayroong hindi makakalimutang pangyayari si Ms. Mel Tiangco sa taping nila ng Magpakailanman kamakailan.
“Tinamaan ako roon sa batang lalaking iyon although it had nothing to do with the story that we were shooting, ano? Pero, pag-upung pag-upo ko kasi, sabi ni direk, ‘Ah Tita Mel may pakiusap sa inyo ‘yung subject.’ ‘Ah okay sure, what is that?’
“Sabi niya, ‘E meron po akong konting diperensiya sa tenga’, sabi niya. ‘Ah okay.’
“Ako naman wala lang, ‘no. ‘Ah sure, sure, sure.’
“Sabi ko. ‘Lalakasan ko boses ko, okay? Is that what you want’, sabi ko sa kanya. ‘Opo.’
“Alam niyo bang umiyak ‘yung… he is a thirty-year old boy, good-looking at maganda itsura niya at mabait, very decent… umiyak!
“Sabi ko, ‘Ay bakit ako nagpaiyak?’
“I couldn’t help it, I went to him and I sort of, you know, comforted him, not knowing why he was crying! Sabi ko, ‘Bakit iho? Nasaktan ba kita? Meron ba akong nasabing mali?’
“Alam mo ang sagot niya? ‘Kasi po kasiraan ko po yun, e.’
“Sabi ko, ‘Hindi! Hindi kasiraan ‘yung magkaroon ka ng problema sa pandinig, hindi kasiraan’, sabi ko. ‘Ang kasiraan ‘yung masamang tao ka. Yung ikaw ay nang-aapi ng kapwa mo, iyon ang masamang tao! Hindi yung ganyan.’
“And so right away, I asked my office, the foundation to give me my referral letter, I gave him a referral letter to the, basta marami na kaming pinag-usapan, marami na kaming… may mga ganung bagay na iyon ang nagbibigay din sa akin ng fulfillment.
“Hindi lang sa televiewers kundi maging iyon mismong subject.
“Parang napi-feel ko na if I do this, I will change this boy’s life for the better. Hindi niya ako makakalimutan, hindi niya makakalimutan ang Magpakailanman,” kuwento ni Ms. Mel.

Samantala mamayang alas otso kinse ng gabi ay mapapanood ang kuwento ng tunay na buhay ni Sam na pagbibidahan ni Jeric (bilang si Sam) ang episode ng Magpakailanman o #MPK na pinamagatang “I Bear For You: The Sam Cairo Story” kung saan nakasama niya si Jackielou Blanco (na co-star din ni Jeric sa Start-Up PH) bilang Leonida, Therese Malvar (na leading lady naman ni Jeric sa Broken Blooms) bilang Julie, Gardo Versoza bilang Miguel, Angela Alarcon bilang Jen, sa direksyon ni Jojo Nadela na unang beses na magdirek ng isang #MPK episode.