Bibida sa pelikulang “Siphayo” na isang sex-drama film si Nathalie Hart. Sa pelikula ay pinagsaluhan ang kaniyang alindog at katawan nina Joem Bascon, Luis Alandy at Allan Paule. Maraming daring at sizzling scenes sa movie pero approved without cuts ito ng MTRCB.
Sinasabing ito na ang magpapabalik ng sexy movies na sa totoo lang ay marami ang nanabik at naghihintay.
“Puwedeng bumalik kasi marami ang nanabik sa ganitong pelikula pero siyempre hindi lang naman yung sex ang ibinebenta namin sa movie kundi yung istorya at may social relevance naman ito”, sabi ng producer ng pelikula na si Baby Go.
First time maghubad at magpakita ng katawan si Nathalie sa pelikula at sobrang iniyakan niya raw ang mga daring scenes niya na aminado siyang ayaw niya nang gawin nung isu-shoot na ang mga eksena Isabel Marant Shoes Sale .
“Iniyakan ko talaga at nagkulong ako sa bathroom dahil hindi ko talaga kayang gawin kasi sobrang daring at sobrang malaswa. Buti na lang inexplain sa akin ng manager ko (Leo Dominguez, ng producer ko (Dennis Evangelista) at tsaka ni Direk Joel (Lamangan).“
Ang “Siphayo” ay ipapalabas na sa October 5 sa mga sinehan. Mula ito sa direksiyon ni Joel Lamangan. Sa mga kalalakihang nanabik sa mga ganitong klase ng pelikula, ang “Siphayo” at si Nathalie Hart ang sagot sa matagal na ninyong paghihintay.
Leave a comment