May 21, 2025
MTRCB attends Annual Asia Digital Communications and Media Forum
Latest Articles

MTRCB attends Annual Asia Digital Communications and Media Forum

Feb 20, 2025

Mula sa imbitasyon ng International Institute of Communications (IIC), pinangunahan ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio ang delegasyon ng Pilipinas sa Annual Asia Digital Communications and Media Forum 2025 nitong Pebrero 11-12, 2025, sa Seoul, South Korea.

Kasama ni Chairperson Sotto-Antonio sina Board Members Maria Carmen Musngi, Katrina Angela Ebarle, at Legal Affairs Division Chief, Atty. Anna Farinah Mindalano.

Ang naturang pagtitipon ay nagdala sa iba’t ibang grupo, organisasyon, at mga industriya na makapag-usap hinggil sa patuloy na paglawak ng digital media landscape sa mundo.

“Bilang ahensiya na may mandato pagdating sa pagbibigay ng angkop na klasipikasyon sa mga pelikula at programa sa telebisyon sa Filipinas, naiintindihan namin ang importansiya na makasabay sa mabilis na pagbabago sa porma ng media,” sabi ni Chairperson Sotto-Antonio na binigyang diin ang kahalagahan na matutunan din ang ginagawang hakbang ng ilang kapwa regulators sa mundo at ang pakikipag-ugnayan sa kanila.

Ang partisipasyon ng Board ay nagpapatunay sa pangako nitong matiyak ang isang ligtas, inklusibo, at responsableng paggamit ng media ng pamilya at kabataang Pilipino.

Bilang resulta, nais ni Chairperson Sotto-Antonio na ipatupad ang mga sumusunod na inisyatibo:

– Information Dissemination Campaign: Sa pakikipagtulungan sa IIC at mga stakeholders sa pagsusulong ng “Responsableng Panonood” sa bawat tahanan.

Pagpapatibay at pagpapalakas ng pakikipag-ugnayan at kolaborasyon sa mga content creators at film producers na makibahagi sa compliance workshops upang maiangat ang mga pampamilyang programa; at

Posibleng pakikipagtulungan sa IIC pagdating sa mga pinaka-epektibong paraan sa regulasyon, content moderation, at pagbibigay ng angkop na klasipikasyon.

“Sa ating mga stakeholders, tinitiyak namin na kami sa MTRCB ay patuloy sa pagbuo ng mga polisiya na magsusulong sa responsableng panonood at paglikha para sa kapakanan ng mga manonood partikular ang mga kabataan laban sa mga mapaminsalang palabas,” dagdag ni Sotto-Antonio.

Leave a comment