May 23, 2025
Allen Dizon enjoys working with Persons of Interest’s co-stars, shares secret to maintaining success
Latest Articles Rodelistic

Allen Dizon enjoys working with Persons of Interest’s co-stars, shares secret to maintaining success

Sep 14, 2017

MEXICO, PAMPANGA–Dinalaw namin noong Linggo sa kaniyang shooting para sa pelikulang Persons of Interest ang magaling na aktor na si Allen Dizon.

Ganado ang aktor nang makita namin sa set dahil bukod sa nalaman naming bilib siya sa proyekto ay karamihan pa sa mga co-star niya ay tulad niyang Kapampangan.

“Sobrang enjoy,” bungad niya.

“Maganda na naman ang role na napunta sakin dahil dalawa ang character ko sa movie. First time kong ginawa ito. Yung isa bulag ako na mabait pero may pagka-bad din kasi bilang asawa ni Tita Liza Lorena sa movie na malayo ang agwat ng edad namin ay nakakagawa siya ng mga hindi magagandang bagay.

“Yung isa naman na ginagampanan ko bilang imaginary friend ng anak ko ay bad talaga kasi lahat ng iniuutos ay sinusunod ng anak ko na masama ang ginagawa,” kuwento pa ni Allen.

Hindi na namin inurirat pa sa aktor ang istorya ng pelikula. Tinanong na lang namin siya kung ano ang pakiramdam niya sa pakikipagtrabaho niya sa isang batikang artista tulad ni Liza Lorena.

“Masaya kasi unang-una pareho kaming Kapampangan. Nag-uusap kami, nagkukuwentuhan. ‘Yung para kaming pamilya at tsaka ang galing niya. Masuwerte ako at nabigyan ako ng pagkakataon na makatrabaho siya.

received_10211658001420172

“Hindi lang naman ke Tita Liza maski sa ibang mga kasama ko na mga Kapampangan din. Parang nasa bahay lang kami. Nakaka-proud kasi ‘yun tsaka dito pa sa Pampanga ang shooting.”

Bukod kay Liza Lorena, hangang-hanga rin siya sa kaniyang co-star sa pelikula na si Dimples Romana.

received_10211658001460173

“Napaka-professional ni Dimples at palagi siyang ready sa kaniyang ginagawa. Hindi rin siya mahirap pakibagayan kasi malapit siya sa mga tao, sa crew at walang arte na napansin ko sa kaniya.”

Ang pelikulang Persons of Interest ay pangalawa nang proyektong pinagsamahan nila ng direktor na si Ralston Jover. Una ang Bomba na base sa nasilip naming mga ilang mahahalagang eksena ni Allen sa movie ay pwede siyang makasungkit na naman ng Best Actor award.

Pipi ang role niya sa nasabing pelikula na habang pinapanood namin ay masasabi namin sya ang pwedeng tawaging lalaking Nora Aunor na sa mata pa lang ay ramdam na ang kahusayan sa pag-arte.

Naitanong nga namin sa kanya na sa bawat galing na ipinapakita niya sa kaniyang pagganap ay umaasa ba siya na magkaroon ng award.

“Hindi ko iniisip ‘yun. Walang ganun. Kung mayroon e di maganda pero kung wala naman okay lang. ‘Yung mapansin lang ako sa pag-arte ko importante na sa akin yun.”

Karamihan sa mga kasabayan ni Allen na nagsimula bilang sexy actor ay nawala na sa sirkulasyon o ang iba naman ay nasa showbiz pa rin pero malayo na ang agwat ng mga ito sa narating ng multi-awarded actor.

Ano ba ang sikreto niya sa kaniyang tagumpay bilang artista lalo na bilang isang aktor.

“Di naman siguro sila nawala, ‘di lang nabigyan ng magandang break ‘yung iba o kaya ‘yung iba mas gusto nila mag-business.

“Wala akong sikreto. Disiplina lang at ‘yung pagmamahal sa trabaho. Ako kasi di ako naiinip. Di ako nagsasawa sa ginagawa ko. Passion ko talaga ang pag-arte. Tapos magaganda pa mga project na napupunta sa akin.”

Leave a comment