
Mulawin Vs. Ravena requires Derrick Monasterio to do intense fighting scene
Kasama si Derrick Monasterio sa sequel ng Mulawin na Mulawin Vs. Ravena bilang si Almiro na anak nina Alwina at Aguiluz.
Ayon kay Derrick, pinaghandaan niya ang kanyang role sa nasabing fantaserye. Nagbawas siya ng timbang para maging madali ang kaniyang paglipad gamit ang harness. Pero hindi naman daw siya nahihirapan sa paglipad, mas nahirap daw para sa kanya ang arnis training para sa fight scenes.
“Harness hindi masyado, mas mahirap yung arnis para sa akin. Kasi it involves fighting eh, ano pa naman ako, I’ve never fought anyone in my life like fist fight, wala,” sabi ni Derrick.

Sobrang thankful si Derrick sa GMA 7 dahil kinuha siya sa sequel ng Mulawin. Noong bata pa lang daw kasi siya ay pinapanood niya ito, hindi raw niya akalain na sa muling pagbabalik nito sa telebisyon ay magiging bahagi pala siya nito.
“I’m happy sobra, kasi pinapanood ko siya noong bata ako. I even sang their theme song in my voice competition sa school. So, talagang it’s a big part of my life and I’m really blessed lang talaga.”
Kung sa natapos na serye ni Derrick na Tsuperhero ay marami siyang stunts, mas marami siyang gagawing stunts sa Mulawin Vs. Ravena.
“Sabi ng director namin hindi daw siya magpapa-double, so kailangan namin mag-aral talaga!”
Nasa cast din ng Mulawin Vs. Ravena ang iba pang mga gumaganap na imortal tulad ni Derrick na sina Dennis Trillo, bilang si Gabriel, na hari ng Halconia na isang Ravena, Lovi Poe bilang si Magindara, Carla Abella, bilang si Aviona, Regine Velasquez bilang si Sandawa, Bea Binene bilang si Anya, Kiko Estrada bilang si Rafael, Bianca Umali bilang si Lawiswis at Miguel Tanfelix bilang si Pagaspas.
May special participation dito sina Heart Evangelista-Escudero, bilang si Alwina, Tom Rodriguez bilang si Rodgiro at Ariel Rivera bilang si Panabon. Ang Mulawin Vs. Ravena ay mula sa direksyon nina Dominic Zapata at Don Michael Perez. Ipapalabas na ito mamaya pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.