May 24, 2025
Music is born: LA Santos’ journey to his own album
Latest Articles

Music is born: LA Santos’ journey to his own album

Mar 29, 2017

Produced by Star Music, ni-launch noong Tuesday sa Oriental Place, Tomas Morato ang self-titled debut album ng tinaguriang The Singing Idol na si LA Santos.

Present sa launching ang buong pamilya ni LA, ang composers sa album niya na sina Jonathan Manalo from Star Music, Garth Garcia, Gary Cruz at Joel Mendoza, na siya ring album producer.

Bago ang launching, ay ipinanood muna sa lahat ang MTV ng dalawang kantang nakapaloob sa album ni LA na One Greatest Love at Hanggang Kailan na parehong sinulat ni Joel.

After nito, ay kinanta ni LA ang ilan sa cuts ng kanyang album bago ang presscon proper.

Sabi ni LA sa presscon ng album launching Adidas X_plr White niya, ”Sobrang masaya po ako na finally nai-share ko sa entertainment press, family at friends ang music ko. Hindi ko po ini-expect na matutupad ang pangarap ko na maging isang singer.”

 Pero hindi pala ang maging isang recording artist ang unang pangarap ni LA, kundi ang makilala bilang isang mahusay na basketball player.

“Noong una po, ayoko talagang maging isang singer. Actually, I really dream of becoming a baslketball player. Hanggang dun sa isang event ng lola ko, sa birthday niya, I was 13 then, pinilit po akong pakantahin dun ni mommy.  And right after kong kumanta, I feel different.  Parang nagustuhan ko na pong kumanta. At yung mommy ko, siya po talaga yung gusto akong maging isang singer. At eto na nga po, may album na ako.”

 Ang paboritong International singers ni LA ay sina Michael Jackson, Justin Beiber at Bruno Mars. Kaya sa album niya ay isinama niya ang kanta ni Bruno na When I Was Your Man.

Si Janella Salvador naman ang showbiz crush ni LA.

Photo from Janella's instagram account
Photo from Janella’s instagram account

“Sana sa mga susunod kong recordings, maka-duet ko siya.  Hanga po ako sa ganda niya, bukod pa sa magaling siyang umarte at kumanta.”

 Ang mga kantang nakapaloob sa album ni LA, bukod sa cover song niyang When I Was Your Man, One Greatest Love, revival na Hanggang Kailan ay ang Forever’s Not Enough, na ka-duet niya rito ang sister niyang si Kanishia, Tinamaan, Miss Terror, Ikaw Kasi, Mine,at Bakit Ang Pag-Ibig.

 

********************************************************************

Kung si Roli Ravelo, ang eldest son ng creator ng Darna na si Mars Ravelo, ang masusunod, hindi siya boto isa man kina Kathryn Bernardo, Nadine  Lustre, Sarah Geronimo  at Jessy Mendiola para gumanap na Darna.

Wala raw kasing Darna appeal ang mga ito. Sa tingin niya, ang mas bagay sa Darna role o mas karapat-dapat sa papel na epic hero, ay si Liza Soberano.

Photo from Liza's instagram account
Photo from Liza’s instagram account

Gusto niya raw kasi ang simpleng ganda nito, magandang pangangatawan at pagiging bankable star.

Well, pakinggan kaya ng Star Cinema, ang magpo-produce ng Darna movie, ang opinyon na ito ni Roli?

Si Liza na nga kaya ang kukunin nila para gumanap na Darna?

Leave a comment