
Mylene Dizon can’t relate to May-December love affair
Pagkatapos na hangaan noon sa “Mariquina,” balik-Cinemalaya ang magaling at award-winning actress na si Mylene Dizon sa pelikulang “Belle Douleur” (Beautiful Pain) na kalahok sa full-length film category ng ika-15 edisyon ng nasabing filmfest.
Paliwanag ni Mylene, kakaiba raw ang role niya rito kumpara sa mga papel niya sa mga pelikulang nagawa na niya tulad na lamang ng “Mariquina.”
“Sobrang magkaiba siya sa role ko sa “Mariquina.” Sobrang layo. Walang similarity at all. Maybe ang konti lang similarity ay pareho silang independent women but it’s completely different,” paliwanag niya.
First time rin niyang gumawa ng isang pelikulang may temang May-December love affair.
Hirit niya, partly lang daw siya nakaka-relate sa kanyang role.
“I can’t relate. Wala akong May-December love affair. When I had a relationship with a younger man, I didn’t feel like an older woman. So in real life, there’s this 5-year gap. I was 30, he was 25 so I didn’t feel, it was a May-December love affair, so iyon. In this one, I would be able to relate with only during the shoot itself kasi I’m working with Kit, being younger and also the character that I played,” esplika niya.
May mga love scenes sila ni Kit Thompson sa pelikula at aminado siyang nagkaroon sila ng awkward moments sa simula.
“Of course. You’re doing it with somebody you don’t have a relationship with. Of course, it will be awkward. It’s part of the job. You do your job and when you do arguments in a scene, especially that, hindi naman kami friends in real life at dito lang kami nagkakilala sa project, it’s not that easy,” ani Mylene.
Tungkol kay Kit, proud naman siya na may ibubuga ito sa acting.
“Siyempre, there are things that you have to deal with. Hindi naman porke na hindi siya ganoon katagal sa industriya tulad namin, wala na siyang ibibigay. It’s more like we had to help each other because we have to establish iyong rapport namin. Hindi naman kami lovers in real life, so we really have to guide each other,” pahayag niya.
Puring-puri rin niya ang pagiging metikolosa at organized ng kanyang director na si Atty. Joji Alonso na sumabak na rin sa pagdidirek.
“Si Direk, pag may gusto siyang mangyari, she’s not going to waste her time with other things. If she wants something and she’s sure about it already, she sticks to it. Hindi na niya kailangan pa to bother herself with other things. Pero pag kailangan niya ng advice , other options or opinions, she will ask for it. Kasi there are certain things naman that she’s quite sure of na,” pagwawakas niya.
Ang Belle Douleur (Beautiful Pain) kasama ang iba pang kalahok ay mapapanood na sa Cultural Center of the Philippines at sa mga piling Ayala Mall at Vista Mall cinemas sa buong bansa mula Agosto 2 hanggang 11.