May 22, 2025
Myrtle Sarrosa, equally big winner in PBB and as cum laude in UP Diliman
Featured Latest Articles Rodelistic

Myrtle Sarrosa, equally big winner in PBB and as cum laude in UP Diliman

Aug 4, 2016
by Rodel Fernando
by Rodel Fernando

Running for cum laude sa kursong Mass Communication sa U.P. Diliman ang PBB big winner na si Myrtle Sarrosa. Kahit abala sa kaniyang showbiz career, nagawa pa niyang isulong at isingit ang kaniyang pag-aaral. Katwiran niya, ito ay mapapakinabangan niya  kapag tumigil niya sa kaniyangpag-aartista.

Bukod sa pag-arte at pag-aaral niya,  aktibo rin siya nga­yon bilang isang singer at composer kung saan may album siya under Ivory Music, ang “Now Playing Myrtle Sarrosa” at may carrier single na “Mr. Pakipot”. Siya lahat ang sumulat ng mga kanta niya sa nasabing album.

Sa mga nagtatanong kung bakit hindi siya madalas mapanood ngayon sa TV, nakapokus kasi ang dalaga sa kaniyang pag-aaral at pagpo-promote ng kaniyang album.

Isa pa sa pinagkakaabalahan niya ay ang pagiging ambassadress ng brand ng feminine napkin.  Nag-iikot siya sa iba’t-ibang radio stations, provincial shows, campus tours para i-promote ang produkto ng ng nasabing product line.

Photo Credits: Left - https://www.instagram.com/myrtlegail/ Right - https://www.instagram.com/iammajasalvador/
Photo Credits:
Left – https://www.instagram.com/myrtlegail/
Right – https://www.instagram.com/iammajasalvador/

Iniintriga nga siya sa bagong endorsement niyang ito dahil bago siya ay si Maja Salvador ang endorser ng kumpanya noong nakaraang taon na hindi na na-extend ang kontrata. Mas pinili raw na kunin siya at huwag nang i-extend ang contract ng huli.

Ang tsismis, marami raw kasing demands si Maja na hindi na kayang ibigay kaya naghanap na sila ng bagong endorser at sa katauhan nga ito ni Myrtle. In fairness naman sa may-ari ng company, sinabing okey naman daw ang naging working relationship nila ni Maja at tumaas naman daw ang sales ng kanilang produkto habang si Ms. Salvador ang endorser.

Going back to Myrtle, aware ang dalaga na magkakaroon ng comparison at puwedeng intrigahin silang dalawa pero mukhang hindi siya papatol kahit nagkakasagutan na at nagpapalitan na ng hindi magandang salita ang ilan nilang supporters sa social media. Isa pa, mukhang ok naman sila ni Maja kaya walang dahilan para pumatol siya kung sakaling magkaroon ng isyu at intriga sa pagitan nila.

Photo Credits: http://abscbnpr.com/
Photo Credits: http://abscbnpr.com/

Anyway, pakiabangan na lang si Myrtle para sa pagdiriwang ng “Sister’s Day” na may temang “We Are One, We Are Sisters” sa August 7, 2016 sa Starmall Alabang. Makakasama niya ang Hotlegs at ang grupong Gimme5 na sinaNash Aguas, Joaquin Reyes, John Bermundo, Brace Arquiza at  Grae Fernandez.

Leave a comment

Leave a Reply