June 5, 2025
Nadine Lustre teams up with James Reid’s best friend: I’m comfortable working with him
Latest Articles

Nadine Lustre teams up with James Reid’s best friend: I’m comfortable working with him

Jul 22, 2019

Matagal na ring hindi nagkakasama sa isang proyekto sina James Reid at Nadine Lustre.

Katunayan, maraming Jadine fans ang nasasabik na makitang magkasama muli ang  kanilang mga idolo sa teleserye man o pelikula.

Naniniwala naman si Nadine na may magandang balak ang Viva Talent Management Agency sa kanilang karera kaya hindi pa sila muling pinagtatambal.

Pagkatapos ng team up nila ni Carlo Aquino sa “Ulan,” si Sam Concepcion naman ang leading man niya sa dance movie na “Indak.”

“It’s different naman this time. Hindi naman puwedeng laging magkasama kaming dalawa. It’s also a stepping stone that you grow together and you grow apart. It’s nice enough na wala si James, at least I have my own,” saad niya.

Sa  kanyang bagong movie, hindi raw naman siya nanibago dahil gamay na rin niyang katrabaho si Sam na sa tunay na buhay ay best friend ni James.

“Kasi experience ko naman po, so with Carlo. Si Carlo naman although hindi kami close at first time kaming magkasama, okey naman, ganoon din kay Sam. It all depends sa tao kung alam mo naman na madali siyang makatrabaho,” aniya.

“Saka, vocal naman si James sa pagsasabing idol niya si Sam, so I’m comfortable working with him,” pahabol niya.

Sa “Indak,” sumabak daw talaga siya sa napakahirap na training at choreography.

“Sa totoo lang, napakahirap gumawa ng isang dance movie. Saka, everytime na nagre-rehearse kami ng production number talagang napakasakit siya sa katawan after the next day. Pero ako naman kasi, ibang klaseng adrenaline rush ang naibibigay sa akin ng pagsasayaw. So kahit napakahirap, alam mo iyon, very passionate kami at nag-eenjoy naman po kami,” pahayag niya.

Hirit pa niya, wala ring dahilan para magselos ang boyfriend niya kay Sam.

Pagbabahagi  pa niya, marami raw siyang natutunan kay Sam bilang total performer.

“Ako naman, natutunan ko kay Sam, to be yourself and to be comfortable with your body. Kaya ako naman, sobrang comfortable na ako with what I do,” paliwanag niya. 

Ang  pinaka-epic na dance movie ng taon, ginagampanan ni Nadine ang role ni Jen, isang dalagang taga-isla na may simpleng pangarap at magaling sumayaw. Sa tulong ni Vin, (Sam Concepcion), lider ng isang dance group, makukumbinsi  siyang abutin ang kanyang pangarap at sumali sa isang world dance competition. Sa kanilang pagsasayaw, unti-unti rin nilang mahahanap ang indak ng kanilang mga puso.

Sa direksyon ng number one concert director na si Paul Alexei Basinillo, ang Indak na kinunan sa magandang isla ng Bantayan sa Cebu at sa South Korea ay palabas na sa buong bansa simula sa Agosto 7.

Leave a comment