May 22, 2025
Asia’s Songbird heads on as guest in “Divas Live in Manila”
Featured Latest Articles This is it!

Asia’s Songbird heads on as guest in “Divas Live in Manila”

Nov 17, 2016
Napanood namin last Friday ang “Divas Live In Manila“, na concert nina Yeng Constantino, Kyla, KZ Tandingan at Angeline Quinto, produced ng Cornerstone Events ni Erick Raymundo at Star Events na ginanap sa Araneta Coliseum. And in fairness sa apat, napuno nila ang nasabing venue, huh!  Talagang successful ito.  Expected na  naman namin ito. Siyempre, puro legit silang singers, hindi sila singer-singeran lang gaya ng iba, kaya yung mga music lovers ay talagang gugustuhing panoorin sila.
Nag-enjoy kami sa concert. Gusto namin ang choice ng kanilang mga kanta.  At talagang humataw sila sa performance sa stage, ipinamalas talaga nila ang husay nlla bilang mga singers.
Isa sa special guests nila si Regine Velasquez. Gusto namin ang musical number ng apat na kasama ang tinaguriang Asia’s Songbird. Kinanta muna nilang lahat ang isa sa pinasikat na kanta ni Regine na “Shine“, then isa-isa sila ay may duet kay Regine, na ang kinanta nila ay ang ilang hit songs pa nito. At ang ending ng number nila ay ang “Shine” pa rin. ito
Ang galing-galing niyo continue to shine! Nakakatuwa!” Ang sabi ni Regine pagkatapos ng kanilang musical number.
Isa sa nanood ng concert ay si Erik Santos. Binanggit ng tatlo na nasa audience si Erik. Pero si Angeline, nung in-acknowledge niya si Erik, ay hindi Erik ang tinawag niya rito kundi “Baby”.   O di ba? Yun siguro ang term of endearment nila.
Sayang nga lang at hindi natuloy nung Tuesday ang presscon ng Foolish Love mula sa Regal Entertainment na isa si Angeline sa mga bida rito. Itatanong sana namin kung sila na ba talaga ni Erik dahil nga tinawag niya itong baby.

Leave a comment