
Natupad na rin ang long-time dream ng Kapuso hunk actor na si Derrick Monasterio na maging isang recording artist

Natupad na rin ang long-time dream ng Kapuso hunk actor na si Derrick Monasterio na maging isang recording artist dahil binigyan siya ng album ng GMA Records, ang self-titled na ang carrier single ay ‘Give Me One More Chance,”
“I feel happy na natupad ‘yung pangarap ko na maging isang singer. First love ko ang singing. Mas gusto ko talaga ang singing kesa acting. Bata pa lang ako, dream ko nang makita ‘ yung mukha ko sa CD pati sa mga record stores. Pinag-pray ko talaga itong album ko. Sobrang nagpapasalamat ako sa GMA Records dahil sa kanila natupad yung pangarap ko,”
sabi ni DerrickSa mga kantang nakapaloob sa kanyang album, alin sa mga ito ang masasabi niyang naka-relate siya?
“Yung Give Me One More Chance. Nung nire-record ko itong kantang ito, sobrang mabigat sa dibdib, sobrang personal kasi ang dating nito sa akin. Teary-eyed nga ako nung nire-record koi to,”sagot ni Derrick
Bakit kanino niya ba gustong humingi ng second chance?
“Paulit-ulit na lang yung tanong,”natatawang sabi ni Derrick
“Siyempre kanino ka ba hihingi ng chance, kapag may babaeng nasawi, di ba?”
Kahit anong pilit naming kay Derrick ay ayaw niyang sabihin kung para kanino niya gustong ide-dicate ang kanta. Secret na lang daw ‘yun.
Si Bea Binene ang kapareha ni Derrick sa seryeng Makita kang Muli. Ang dalaga ang nila-loveteam sa kanya ngayon. Kung sakali, okey lang ba na maging ka-love triangle nila ang nalink sa kanya rati na si Maine Mendoza?
“Oo naman, Kailangan ko pa bang maging choosy pagdating sa love triangle?”natatawang sagot ni Derrick
Nagkikita pa ba sila ni Maine?
“Hindi na,”
May mga nagsasabing hindi maganda si Maine. Pero para kay Derrick ay maganda ang ka-loveteam ni Alden Richards.
“Kahit walang make-up, maganda siya. Kaya nga maraming artista ang nagkakagusto sa kanya,”

Maraming nagsasabi sa young actor na si Martin Venegas na may hawig siya kay Richard Gomez. So iisa lang ang ibig sabihin nito, na gwapo si Martin dahil gwapo si Richard, di ba?
Siyempre pa, flattered si Martin na maikumpara sa award-winning actor. Pero hindi pa raw niya nakikita ng personal si Richard. Samantala,pangarap pala ni Martin na maging housemate sa Pinoy Big Brother House. Kaya kung may audition daw ulit para rito ay mag-a-audition siya, ‘Pag nasa loob na raw kasi siya ng bahay ni kuya ay ito na raw ang magiging daan para magtutuloy-tuloy na ang pagiging artista niya. Magkakaroon kasi siya ng project sa ABS-CBN after niyang lumabas sa PBB house. Well, kung sakaling mag-a-audition si Martin sa PBB house sana ay palarin siyang makapasok dito.