May 23, 2025
NBA Stars visit Philippines for NBA FIT Week
Latest Articles Sports

NBA Stars visit Philippines for NBA FIT Week

Jul 28, 2015

By Justin PisueƱa

IMG_3599

Patungong Manila ang top scorer ng Milwaukee na si Khris Middleton at Alec Burks ng Utah Jazz para sa NBA FIT Week sa Huwebes.

Si Middleton ay umaabot ng 13.4 points, 4.4 rebounds at 2.3 assists at 1.5 steal kada laro noong nakaraan season.

Habang si Burks naman ay 10th pick noong 2011 kung saan nag-average ng 13.9 points, 4.2 rebounds, and 3.0 assist noong nakaraang taon.

Sina Middleton, Burks at Shaw ay magsisimula sa second edition ng Gatorade NBA Training Center na gaganapin sa Gatorade Hoops Center sa Mandaluyong kung saan nakatakdang mag-training ang mga coaches at ibang atletang estudyante na galing sa iba’t ibang kolehiyo at yung mga kabilang sa professional league.

Isa sa mga aktibidad ng NBA FIT Week ay ang NBA Cares clinic na gaganapin sa July 30 para sa 40 na mga bata na mula sa Barangay Bocaue, Bulacan at the NBA FIT Adi Nation Skills Camp na gaganapin naman sa July 31.

Leave a comment

Leave a Reply