May 23, 2025
Neocolours continues to color OPM
Latest Articles

Neocolours continues to color OPM

Oct 21, 2019

Para sa founding members ng sikat na bandang Neocolours  na sina Jimmy Antiporda (keyboards), Ito Rapadas (vocals) at Marvin Querido (2nd keyboards), ang pagmamahal nila sa OPM(Original Pilipino Music) ang isang bagay na patuloy na nagbubuklod sa kanila kahit may kanya-kanya na silang mga karera.

Katunayan, masaya sila sa naging ambag nila sa Pinoy music industry.

Ang mga awiting pinasikat nila tulad ng Tuloy Pa Rin, Maybe, Kasalanan Ko Ba, Hold On, Say You’ll Never Go at marami pang iba ay magsisilbing legacy daw nila sa industriyang kanilang minahal.

Happy din sila dahil sa loob ng tatlong dekada, naririnig pa rin ang kanilang  musika sa airwaves, nire-revive ng mga baguhang henerasyon ng musical artists at ginagawan ng covers.

Sa ngayon, may sarili nang kumpanya si Jimmy na JAM Creations na dedicated sa music at film video production para sa TV at radio commercials, album recordings at maging sa paggawa ng music videos. Meron din siyang music school kung saan nagtuturo siya ng music production.

Ang lead vocalist ng grupo na si Ito Rapadas ay kasalukuyang production department managing director ng Universal Records. Siya rin ang nagprodyus ng mga best selling album ng APO Hiking Society, ni Lani Misalucha at ng light jazz na In Love With Bacharach.

Si Marvin Querido naman ay patuloy ang paghataw bilang musical director at arranger. 

Isa siya sa pinagkakatiwalaan ng mga kilalang Pinoy hitmakers tulad nina Gary Velanciano, Lani Misalucha, Sarah Geronimo at Piolo Pascual. Sa kasalukuyan, may-ari rin siya ng On Q, isang recording studio kung saan nakatrabaho na niya sina Martin Nievera, Anne Curtis, Angeline Quinto, Lea Salonga at iba pa.

Noong nakaraang taon, inilunsad din ang kanilang single na “Giliw” na isang malaking tagumpay.

Ang kanilang hits ay may combined listenership na umaabot sa 10 milyon sa Spotify at iba pang streaming sites.

Ang ilan pang miyembro ng Neocolours ay sina Jack Rufo (guitar), Niño Regalado (drums), Paku Herrera (bass)  at Josel Jimenez (guitar).

Magkakaroon sila ng reunion concert na pinamagatang Neocolours: Tuloy Pa Rin Ang Banda na gaganapin sa Nobyembre 16 sa Music Museum.

Leave a comment