June 5, 2025
Net25 picks Ynna Asistio, Geoff Eigenmann for first romantic-drama series
Latest Articles

Net25 picks Ynna Asistio, Geoff Eigenmann for first romantic-drama series

Nov 11, 2020

Sina Geoff Eigenmann at Ynna Asistio ang bida sa unang romantic drama series na ginawa ng Net25.

Mula ito sa direksyon ni Eduardo Roy Jr. 

Sa ginanap na presscon ng nasabing serye noong Lunes ng gabi, tinanong sina Geoff at Ynna kung nag-audition ba sila sa kani-kanilang role, o hand-picked sila?

Sabi ni Geoff, “I was asked to show up for a go-see. And when I showed up, I ended up signing. And I’m here.”

“Ako naman po, it took a long time, before po napunta sa akin itong project na ‘to. Kasi meron pong mga nauna (pinagpilian). Ang ginawa ko na lang po, pinag-pray ko. And I thanked kuya Anjo (Yllana) because if it wasn’t for him, I wouldn’t be here.  Pinag-pray ko po talaga ito. Umabot ng halos two or three weeks bago na-final na ako na po ‘yung bida. Sabi ko nga po, 14 years sa industry na ‘to, first time kong naka-land ng lead role. And I’m very happy. And I thank Net25 for this opportunity. I’m so excited.”

Since “Ang Daigdig Ko’y Ikaw” ang title ng serye nina Geoff at Ynna, tinanong sila kung sino ang gusto nilang sabihan ng ang daigdig ko’y ikaw. 

“It would be my family. But aside from that, I would say, my work also. Because this is what I’m been doing all my life. So that’s it,” sagot ni Geoff.

Sagot naman ni Ynna, “Ako, it’s God. Kasi lahat naman tayo wala dito kung hindi dahil sa Kanya. And alam ko itong prayers na ginawa ko, naging way for Him to answer it. So si God, isa sa reason, maliban sa pamilya ko.”

Puring-puri ni Ynna si Geoff bilang kanyang leading man.

“Napakagaang katrabaho ni Geoff. As in, hindi ako nahirapan. ‘Yun ‘yung una ko pong winorry na parang.. hindi naman kasi kami close ni Geoff. So paano ‘yung pagwo-work namin sa isa’t-isa? Pero ang sarap lang ng feeling na alam ninyo ‘yung wala po kaming wall? Kumbaga, kinilala namin ang isa’t-isa. And naging madali na sa amin ang magtrabaho, kasi naging komportable po ako sa kanya, and at the same time, naging komportable siya sa akin. Kaya siguro nagawa rin namin nang maayos ‘yung trabaho namin, kasi sobrang professional po ‘yung partner ko.”

Bukod kina Geoff at Ynna, ang ilan pa sa cast members ng “Ang Daigdig Ko’y Ikaw” ay sina Richard Quan, Sheila Marie Rodriguez, Paulyn Ann Poon,Tanya Gomez, Manolo Silayan, Arielle Roces, AJ Muhlach, Anna Mabasa-Muhlach, Jiro Custodio, Jellex David at Myrna Villanueva Tinio.

May special participation dito si Elizabeth Oropesa, na gumaganap bilang si Mayor Etta Almazan. Abangan ngayong November 28 sa Net25.

Leave a comment