
Netizens abuzz over senatorial candidate Alma Moreno’s ‘awkward’ interview with Karen Davila; Karen airs her side
by PSR News Bureau
Naging mainit na usapin lately ang naging panayam ni Karen Davila sa aktres na si Alam Moreno na nakatakdang tumakbo bilang isang senador sa darating na halalan sa taong 2016. Kaugnay nito ay mabilis naging ‘viral’ sa social media ang nasabing panayam. Sumalang sa ‘hot seat’ si Alma Moreno para maging guest ni Karen sa ANC News Channel na “Headstart.”
Sa nasabing panayam, nabanggit ng sexy-actress-turned-politician na tutol umano ang kanyang anak na si Winwyn Marquez [anak ng aktres kay Joey Marquez] na tumakbo siya ng mas mataas na posisyon sa gobyerno dahil sa kanyang kondisyon na multiple sclerosis. Pero ayon sa 56-taong-gulang na aktres, naniniwala ito na hindi magiging hadlang ang kanyang kondisyon sa kanyang paglilingkod.
Nang tanungin ni Karen kung bakit siya karapat-dapat na ihalal bilang senador, sinabi ni Alma na mayroon siyang karanasan bilang konsehal sa bayan ng Paranaque ng mahabang panahon. “”Councilor ako for nine years… And sa liga namin, sa Philippine Councilors League, nine years din ako as secretary general, as president, and as chairman ngayon,” pagmamalaki pa ng aktres.
Ngunit napansin ng netizens na hindi naging komportable si Alma sa naturang interview lalo na nang matanong ito ni Karen tungkol sa kanyang views at ang stand nito sa national issues.
“If you won a senate seat, what would be your advocacy in the senate?,” tanong ni Karen.
Sagot ni Alma: “More on sa kababaihan. Boses ng kababaihan. Like Magna Carta for Women.”
Nang hingan pang muli siya ng pahayag ni Karen para mas palawigin pa ang kanyang sagot, halatang ninenerbiyos si Alma at sumagot ito ng, “Teka muna.”
Nabanggit din ni Alma na sinusuportahan niya ang batas ukol sa reproductive health pero may ‘konti siyang pag-aalinlangan.’
“Anong klaseng pag-aalinlangan?,” tanong ni Karen.
“Kailangan ko pa ba sagutin?,” balik-tanong ni Alma.
“Yes, of course, kasi tumatakbo ka bilang isang Senador.”
“Kasi, dapat talaga, lalo na yung mahihirap, dapat talaga magcontrol kasi lalong naghihirap kapag maraming anak,” paliwanag ni Alma na sinagot naman ni Karen ng isa pang tanong, “So how would they control?”
“Kailangan palaging bukas ang ilaw,” tanging nasabi ni Alma.
Sinabi rin ni Alma na hindi ito sumusuporta sa anti-dynasty bill, ang dahilan niya: “Sa akin kasi kung ang pamilya mo maganda ang ginagawa sa isang bayan, okay lang e.”
Nang banggitin ni Karen kung hindi daw ba ito isang pang-aabuso sa kapangyarihan, sabi ni Alma: “Hindi. Kasi hindi rin naman sila mananalo kung hindi gusto ng tao e. Bakit sila binoboto pa rin ng tao?”
Bilang isang senatorial aspirant inamin din ni Alma na naniniwala raw siya na kasalanan ang same-sex marriage.
Nang mapanood ito ng netizens ay samu’t-saring opinyon, reaksiyon at komento ang nagsilabasan. Halos lahat ay negatibo. Sinabi ng ilan na napaka-‘awkward’ daw ng nasabing panayam. Ang iba naman itinuring itong ‘uncomfortable’ habang ang iba’y ‘painful to watch.’
Si Karen naman ay nagpasalamat sa netizens sa Twitter dahil naging trending agad ang nasabing interview. Tinawag din si Karen bilang ‘harsh’ daw sa nasabing panayam kay Alma. Ipinagtanggol naman ng TV host ang sarili: “When someone is running for higher office, they must have an understanding of issues. This is a standard we owe to the Filipino people. My job is to ask the hard questions. Please note: I didn’t ask Ms. Alma Moreno about the West Phil Sea issue, but moved to RH Law because she said her advocacy is on ‘women.’”