May 23, 2025
Netizens praise Xian Lim’s mom; actor does home workout
Latest Articles

Netizens praise Xian Lim’s mom; actor does home workout

Jul 3, 2020

Nakita namin ang instagram post ng Mommy Mary Anne ni Xian Lim na may hawak-hawak ito na maliit na mangga.

In fairness, ang ganda-ganda niya rito, huh!

Ang comments nga sa kanya ng iba niyang followers ay, so pretty. ‘Yung iba naman, sana raw ay mag-asawa na si Xian para mabigyan na siya ng apo.

O ‘di ba, kelan nga kaya magbabalak si Xian na pakasalan na si Kim Chiu para mabigyan niya na ng apo ang kanyang mommy? 

Sa totoo lang, hindi lang naman sa picture maganda si mommy Mary Anne, maging sa personal din.

Kumbaga, hindi lang siya photogenic. Ilang beses na kasi namin siyang nakita ng personal, kapag iniimbita kami ng mga tagahanga nina Xian at Kim sa mga event nila, na nandoon siya.

Artistahin ang dating ni mommy Mary Anne. May hawig nga siya sa namayapang aktres na si Amalia Fuentes. 

Hindi lang kami ang nagsasabi nito, kundi pati ang mga nakakakita sa kanya ng personal.

Pwedeng-pwede siyang gumanap na mommy ng mga kabataang artista natin, na mestizo at mestiza looking. 

Nakita rin namin ang mga IG post ni Xian. 

Dahil lockdown, at nasa bahay lang siya, ay madalas pala siyang nagwo-work-out.

May sarili kasi siyang high tech gym. Kaya naman pala napapanatili niya ang maganda niyang pangangatawan.

And since mahilig din siyang magluto, kaya madalas din siyang nasa kitchen nila para magluto.

Gaya ng ibang artista natin, gusto niya ring magkaroon ng sariling cooking show. 

Sa isa sa mga IG post niya, habang nagluluto, ang caption nga niya rito ay, “This is me explaining the release of the entrapped molecules clumping together..naks. Can anyone help me with a name for a cooking show that best describes my years of experience in the kitchen? But seriously, leave it down below.! Would be happy to hear it.”

Isa pang pinagkakaabalahan ni Xian para hindi mainip, ay ang kumanta, habang nagpa-piano.

Isa kasing musician ang aktor, kaya marunong at magaling itong mag-piano. 

Namana niya ito sa kanyang mommy Mary Anne, na dating concert pianist.

Samantala, bago lumipat sa pangangalaga ng Viva Artist Agency (VAA) si Xian, ay dati muna siyang contract star ng ABS-CBN Star Magic. 

Kaya nang ipasara ng NTC (National Telecommunications Commission) ang Kapamilya network, ay isa siya sa nalungkot.

Sa pamamagitan ng kanyang IG post, ay ipinaabot niya ang mensahe niya sa mga empleyado nito.

Sabi niya, “Sometimes there’s nothing you can do but to let it rain and wait for the sunshine to come out. Stay positive everyone. This too shall past.”

Sa mga gustong malaman ang mga aktibidades ni Xian, personal man o tungkol sa kanyang career, i-follow ninyo lang siya sa kanyang Instagram account.

Dito ay makikita ninyo ang mga cute baby pictures niya. I-follow ninyo na rin ang mommy Mary Anne niya sa IG account nito na mommymaryanne. Puro positive thoughts ang mababasa ninyo rito.

Leave a comment