
“Never in my wildest dreams did I think that I will become a public servant. But the fulfillment it gives me and the appreciation I received from the people are indeed priceless.” – Gov. Vilma Santos-Recto
Talagang proud si Vilma Santos kapag napag-uusapan ang kanyang mga na-accomplish bilang isang public servant. Gaya nga sa interview sa kanya noong, Lunes, April 6, ni Winnie Monsod sa programa nitong Bawal Ang Pasaway sa GMA News TV 11.
Marami na ring napatunayan si Ate Vi bilang isang politician. She’s the first woman mayor of Lipa City and first woman governor of Batangas. At direktang nasabi ng Star For All Seasons na sa palagay niya she has vindicated herself as a woman. “Definitely! Women empowerment!,” sabay tawang naipahayag nga ng aktres.
Naglingkod siya ng tattlong termino bilang mayor ng Lipa City at nasa third term na rin niya ngayon bilang gobernador ng Batangas. Sa kanyang pagiging public servant, hindi raw niya inakala noon na kanyang magiging destiny. “Sabi ko kay Ralph noong nanalo ako (bilang mayor ng Lipa noong 1998), paano ‘yan? Nine years old pa lang ako, showbiz na ako e, ang politics ay isang bagay na bago para sa akin.”
“You know what he did? Ipinasok po niya ako sa UP (University Of The Philippines). I took a special crash course on public administration. In order to prepare me sa pagpasok ko bilang public servant.”
“Pinag-aralan po namin ang Lipa talaga. Bago po ako naupo, nagkaroon din kami ng tinatawag na housekeeping siguro for six months.
“Ano ba ‘yong housekeeping? Inilatag po lahat ang programa, ang status ng city hall ng Lipa at kung anu-ano ba ang mga proyektong ongoing at ano ba ang kailangan ng mga Lipeno? Ito po ay para matutunan ko ang lahat. Ginawa po naming ito para malaman ang problemang kinakaharap ng mga Lipeno at kung paano naming ito mabibigyan ng solusyon.”
“Magkano ba ang annual budget ng Lipa? Para lahat ng problemang ito ba may panggastos tayo? Ang daming problema, wala ka namang pondong panggastos. Lahat naman ng proyekto at lahat ng problemang bibigyan mo ng solusyon, aminin natin, pondo po ang kailangan. Now if you don’t have enough funds, paano mo sasagutin ang mga problemang inilalatag sa ‘yo?”
“First six months ko yung housekeeping. Nalaman namin kung magkano ang income ng city government at kung anu-ano ba ang mga problema. And then meron pa po akong isang napag-aralan sa five modules na crash course na kinuha ko sa UP which is our minimum basic needs. Ito po ‘yong 72 barangays ng Lipa na akin pong pinuntahan personally para magtanong sa mga barangay officials kung ano ba ang problema ng bawat barangay sa Lipa.”
“I am not saying na itong sampu ninyong major problems halimbawa ay kaya kong saguting lahat. Pero out of this ten major problems in a particular barangay, siguro ang masasagot ko rito ay tatlo. Pero at least yung gagawin at gagastusin kong pondo rito, alam kong papakinabangan ninyo.”
Noong pinakaunang panunungkulan niya bilang mayor ng Lipa, nasa 190 raw o 200 million ang income ng siyudad. Nang matapos ang kanyang ikatlong termino ay nasa 500 million daw.
“Local collection yun. Excluding IRA (Internal Revenues Allotment). Ang in-enhance po kasi namin ‘yong local collection like yung business permit. Marami sa mga LGU’s (local government units) sa provinces nakasalalay sa IRA at doon nga ako naiinis, e. Hindi na makakakilos ‘yong local government. Kaya ano ang dapat nating gawin?”
“This is also one thing that I have learned. E di i-enhance at i-improve natin yung local collection? Which means massive campaign, monitoring at tutok talaga kung ano ba yung mga payables na dapat ibigay para mas lumaki pa yung local collection mo. Para mas lumaki yung budget mo locally. Nang hindi ka masyadong umasa doon sa IRA mo.”
“Alam ninyo po, tumaas ang gaming collection ng local revenue. Kasi sa totoo lang po, maraming nagbabayad ng tax. Bakit? Modesty aside, kasi nakikita po nila yung mga ipinagagawa. Mga kalye at pagpapatayo ng mga school building. Pati yung pagsasaayos nila ng mga livelihood program. Nakikita po nila yung resulta. That’s why hindi kami nahirapan to ask them to pay taxes. Kaya lumalaki po ang collection namin yearly.”
“Also sa experience ko personally, basic pa rin ang kailangan ng mga mamamayan natin. Ano ba ang basic needs? Lagi nating nadidinig ito sa mga politiko gaya ng health, education, kabuhayan, infrastructure, employment. But the thing is, nararamdaman ba ng tao? Nai-implement ba nang tama ito? Iyon ang problema.”
May sinasabi na mula nang mayor siya hanggang ngayon na governor na siya, wala siyang ginagawa na hindi approved ng asawa niyang si Senator Ralph?
“Mentor ko po si Senador. Kasi kung nagkaroon man ako ng positive feedback regarding my work and job as a public servant, malakin po ang utang na loob ko kay Senador. Kasi tutor ko po iyan, e. Sa mga finances, sa expenditures ng government na hindi dapat magkaroon ng deficit ang gaming ng gobyerno by end of the year. Dapat well-documented lahat ng mga proyekto. Takot siya na baka ma-Ombudsman ako. So all these things ay itinuturo niya sa akin. Even yung mga policies o let’s say yung mga foreign policies. Tinuturuan niya ako hanggang 4 am. Sabi niya, “Vi, you need to learn this.”
“Naka-highlight po yun. Pati yung mga nangyayari sa ibang countries and why it’s happening. Also yung mga latest news, mga nasa newspapers. Lahat po iyan. I’m learning. Pero kapag napapagod na po ako, hanggang don na lang muna. But these are the things na sa klase ng trabahong meron ako as a government official, kailangan alam ko po itong mga issues na ito. Iyon ang itinuturo at gina-guide sa akin ni Senator.”
“Now when it comes to decision-making, alam ninyo mahal ko po siya at siya po ang aking hari. Pero ako po ang alas!” tawa ulit niya. At saka direkta na ako ang may alam lalo na sa local na ako ang kaharap ng mga tao. So hindi pupuwedeng maging sa kanya ang last decision.”
Tungkol naman sa napapabalitang pagtakbo ng anak niyang si Luis Manzano bilang mayor ng Lipa City, ano ang masasabi niya?
“I am not discouraging nor encouraging him. But it all started kasi siya po ang hinilingan. Hindi nagkusa ang anak ko. Maybe because siyam na taon din akong nagsilbi sa Lipa at sinabi nila na tipong, “Mayor kung aalis ka sana yung papalit sa ‘yo ay yung malapit din sa iyo. That’s why they thought of Lucky. And one thing also that I have learned, kapag pumasok ka sa public service, dapat it should come from the heart. Hindi puwedeng sa pangalan lang. Ako nanalo ako siguro noong una, pangalan lang e. Because asawa ko si Ralph na congressman siya that time.”
Pero marami ang naniniwala na siya ang dahilan kung bakit naging matagumpay si Senator Ralph sa pagpasok nito sa politika?
“Nakatulong po ako. Opo. But let’s face it kung gaano naman po kagaling ang asawa ko,” pagtukoy niya sa naging performance ni Senator Ralph bilang public servant.
Sinasabi na si Vilma raw sa ngayon ang pinakamayaman sa lahat ng gobernador sa buong Pilipinas. Kung totoo man daw ito, pinaghirapan daw at pinagtrabahuhan niya kung anuman ang yaman na meron siya ngayon.
“Nine years old pa lang ako, nagtatrabaho na ako. Sa murang edad na iyon, nagpupuyat at nagtatrabaho na po ako. Kaya hindi ako lumaki!” tawa ulit ng aktres.
Ayaw magbigay ng exact amount ni Vilma kung gaano ba kalaki ang talent fee niya bilang artista. Between 10 and twenty million ba or more?
“Between!” tawa na naman niya. “Basta iyon na lang yun! Ha-ha-ha!
“Pinag-uusapan natin ang income, na-insecure ako noong naging mayor ako at governor. Mas mataas pa ang income ng anak kong si Lucky kesa sa income ko na sanay ako. Na-insecure ako na mas malaki ang binayarang tax ng anak ko. Ibig sabihin, wala na akong income. Kasi I cannot do movies anymore dahil priority ko ang pagiging public servant.”
Hindi siya ganoon kadalas gumawa ng pelikula dahil ayaw niyang mapabayaan ang kanyang tungkulin bilang governor ng Batangas. At tuwing weekend lang daw nga siya puwedeng mag-shoot kaya inaabot ng pitong buwan bago siya makatapos ng isang project.
“Friday and Saturday lang po ako nagsu-shooting, usually. Iyon lang ang ibinibigay ko. It’s a sacrfifice na kailangan kong i-prioritize ang pagiging public servant ko. It’s a sacrifice but kapag nakita mo yung totoong buhay na from screen na istorya, this one is reality ng buhay. At iyon ang priceless. Actually sa showbusiness po, ang dream ko after kong maging artista ay maging direktor. To be like Laurice Guillen na from actress to being a director. Or like the late Marilou Diaz Abaya. Iyon yung dream ko. Never in my wildest dream did I think that I will become a public servant.”
“Isinakripisyo ko ang pagiging artista ko in a way, para dito sa pagiging isang public servant. Pero yung fulfillment ng totoong buhay, iyon ang ma-ano sa puso ko. Kaya nagtagal ako dito. It’s the fulfillment and yung priceless na appreciation ng mga tao .”
Stressful at talagang nakakapagod ang pagiging isang public servant. How does she manage to stay so young? Magsi-62 years old na siya pero ang bata ng hitsura niya kesa sa kanyang edad. Ano ang beauty regimen niya?
“After taking a bath, before putting make up, I just put cold compress. Yung malamig na may yelo, it closes the pores before putting make up. And then in the evening after ng work, pag-uwi mo dapat tanggalin yung make up, wash your face and then warm water naman to open the pores. Para lumabas naman yung dumi ng make up. And that’s it! I don’t use moisturizers. Less cream na inilalagay sa mukha, the better.”
“Wala pa ito ni isang botox,” patungkol niya sa kanyang younger-looking face. Kaya I don’t mind growing old gracefully. We will all grow old. Natural ‘yan. Wala pa po akong ipinagawa, not a single needle.”