May 30, 2025
Newbie dad Jon Lucas hopeful to be part again of “Showtime”
Latest Articles

Newbie dad Jon Lucas hopeful to be part again of “Showtime”

Jul 23, 2018

Sa presscon ng pelikulang pinagbibidahan nila ni Michelle Vito na “Dito Lang Ako,” inamin na rin finally ni Jon Lucas na totoo ang balita na nabuntis niya ang non-showbiz girlfriend niya, na itinago niya sa pangalang Skem, na nagtatrabaho rati sa ABS-CBN 2.

“Actually nu’ng lumabas yung article na nabuntis ko ‘yung girlfriend ko, e, nanganak na siya,” natatawang sabi ni Jon.

Baby boy ang panganay ni Jon, na ipinanganak noong November ng nakaraang taon. Ang pangalan na binigay nila ay Brycen.

Nabinyagan na ba si Brycen?

“Walang binyag-binyag sa amin kasi Iglesia Ni Critso ako. Ang tawag sa amin ay handog. Naihandog na namin siya.”

Ikinasal na si Jon kay Skem. Isang simpleng kasalan lang ‘yun, na ang nandun lang daw ay ang daddy niya, pamilya ni Skem at mga malalapit nilang kaibigan na hindi taga-showbiz.

Walang inimbita si Jon na mga kaibigan at kasamahan niya sa industriya. Katwiran niya, “Hindi naman kasi engrande ‘yung kasal, wala pa akong gaanong ipon. Next time na lang. ‘Di ba may mga ikinakasal ulit after 10 years, 25 years? Siguro ‘pag ikinasal na lang ulit ako, babawi na lang ako sa kanila.”

Nung nabalitang nakabuntis si Jon, naging dahilan ‘yun para tanggalin siya sa show nilang It’s Showtime. Kelan siya babalik sa It’s Showtime?

“Wala pang sinasabi,” sagot ni Jon.

Pero umaasa si Jon na makakabalik pa rin siya sa nasabing noontime show ng Kapamilya network.

“Sana makabalik ako sa Showtime, dahil isa ‘yun sa pinakamahahalagang nangyari sa buhay ko. Araw-araw ako run nakikita, tapos kumikita ka pa, nakakaipon ka, tapos masaya pa ‘yung mga kasama ko run. Chill-chill lang.”

Si Bugoy CariƱo na kasamahan ni Jon sa Hashtags ay sinuspinde rin sa It’s Showtime dahil sa balitang nabuntisan din nito ang non-showbiz girlfriend nito na si EJ Laure, na isang varsity player ng UST. So, totoo rin bang nakabuntis si Bugoy?

“Nagkikita kami ni Bugoy sa mga raket, sobrang taba niya ngayon. Pero hindi ko siya tinatanong tungkol dun, eh. Ayoko namang manghimasok. Siguro hihintayin ko na lang kung totoo man, e hindi ko po alam.”

Ang “Dito Lang Ako” ay mula sa Blade Entertainment at sa direksyon ni Roderick Lindayag. Showing na ang pelikula simula August 8.

Leave a comment