May 22, 2025
Newbie Javi Benitez bruised, blooded in ‘Kid Alpha One’ set
Latest Articles

Newbie Javi Benitez bruised, blooded in ‘Kid Alpha One’ set

Oct 3, 2019

Kumpara sa mga nakilala nating action stars, masasabing one-of-a kind ang Kid Alpha One star at Star Magic artist na si Javi Benitez.

Katunayan kung credentials din lang ang pag-uusapan, may ibubuga sa pagiging action star ang anak ng dating Negros Occidental representative Albie Benitez.

Isang adrenaline junkie at sports enthuasist si Javi.

For seven years, naging go-kart racer din siya at naging kinatawan ng isang football varsity team.

May ipagmamalaki rin ang binata dahil graduate siya ng  political science sa Santa Clara University sa California sa Estados Unidos.

Naging co-host din siya noon ng kanyang dad  sa docu-magazine program na “Game Changer” sa ANC.

Nagkaroon din siya ng short guesting stint sa toprating Kapamilya teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Right after college, nag-try din siyang pasukin ang corporate world pero na-realize niyang hindi ito ang mundo para sa kanya.

Napagtanto niyang mas matimbang para sa kanya ang pag-aartista kaya naman sa pagsabak niya sa pag-arte ay talagang pinaghandaan niya ito.

Katunayan kahit gifted siya with ‘glamour’ boy looks, hindi siya nagdalawang –isip na madeglamorize at magkagalos-galos sa kanyang mga action sequences nang dalawin namin siya sa set ng “Kid Alpha One” kung saan kinarir talaga niya ang ilang beses na magpagulong-gulong sa putikan habang tinutugis ng kanyang mga kalaban para ma-perfect lang kanyang mga eksena.

“Actually, I want to do my own stunts. I want everything to be authentic,” aniya.

Sey pa niya, kakaibang ‘fulfillment’ din daw para sa kanya ang gawin ang kanyang sariling stunts at huwag magpadobol.

“I enjoy doing my stunts. Back in school, I was athletic and I used to play football. There’s some kind of satisfaction that you get from doing it,” paliwanag niya.

Proud din si Javi sa kanyang role bilang killing machine sa nasabing obra ng master director na si Richard Somes.

“I play Jake Geronimo, ako iyong trainee mula sa elite military forces. Graduate siya as top of the class sa army. Ako iyong parang killing machine na nagkaroon ng Acquired Savant Syndrome dahil sa isang incident na nagbigay sa akin ng ibang skills sa pakikipaglaban,” kuwento niya.

Bago pa sumabak sa shoot, nag-training si Javi ng Muay Thai, jujitsu, target shoot, hand to hand combat at maging parkour bilang paghahanda sa kanyang mga death –defying scenes. 

Nakatulong din daw ang pagiging atleta niya para maging kampante siya sa kanyang mga ginagawa. 

Idol din ni Javi ang Thai superstar na si Tony Jaa at Hollywood superstar na si Tom Cruise pagdating sa action movies.

Aminado rin siyang lumaking pinapanood ang mga kung-fu at martial arts movies nina Jet Li, Jackie Chan at Bruce Lee.

Leading lady ni Javi sa Kid Alpha One si Sue Ramirez.

Kasama rin sa cast sina Christopher de Leon, Joross Gamboa, Jeffrey Tam, Bryan Revilla, Tonton Gutierrez, Juan Rodrigo, Carla Humphries, Ian Ignacio at marami pang iba.

Leave a comment