May 23, 2025
Newbie Renshi De Guzman gets support from Erich Gonzales
Latest Articles

Newbie Renshi De Guzman gets support from Erich Gonzales

Nov 9, 2020

Sa bagong handog na serye ng Dreamscape Entertainment na La Vida Lena, na pinagbibidahan ni Erich Gonzales, ay kasama rito si Renshi De Guzman.

Gumaganap siya bilang si Rambo, na nakababatang kapatid ni Carlo Aquino, isa sa leading man ni Erich.

Hindi ito ang first time na lumabas siya sa isang serye. Nakagawa na siya noon, ang Boy Love series na In Between, na pinagbidahan nila ni Lance Carr.

Sa ginanap na digital media conference ng La Vida Lena, sinabi ni Renshi na nag-lock down taping sila sa Antipolo ng 3 weeks para sa kanlang serye. 

“Nu’ng una medyo nakakapanibago na ganoon po ako katagal na nawala sa bahay. Pero habang tumatagal nasanay na rin po ako, kasi naging close ko ‘yung cast at ‘yung crew.

“Mababait po sila sa akin, lalo na po sina tita Ruby (Ruiz), tito Pen (Medina), kuya Carlo at ate Erich. Tinutulungan po nila ako pagdating sa work.  At pati rin po sina direk, gina-guide po nila ako, Sinasabi po nila kung ano pa ang dapat kong i-improve (sa akting),” sabi ni Renshi.

Nag-audition si Renshi para sa kanyang role.

“Sinwerte naman po na ako ‘yung nakuha kaya napasama nga po ako sa La Vida Lena.”

Isang pangalan lang ang kailangang tandaan sa pagsisimula ng “La Vida Lena,” na mapapanood ng stardard at premium subscribers simula Nobyembre 14 sa iWant TFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com.

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC.

Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWant TFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.

Leave a comment