
Newbie singer John Gabriel tells the story of his new single ‘Bakit Ba?’
Ang guwapong alaga ni Daddy Wowie Roxas na si John Gabriel ay may bagong single titled Bakit Ba?
Unang pagkakarinig pa lang ni John sa nasabing awitin ay nasabi na agad niya sa kanyang sarili na gusto niya itong i-record.
“It was Daddie Wowie, my manager who told me na may kanta siyang iparirinig sa akin na gusto niya na i-record ko. The song was sent to me via messenger at nagandahan ako rito after I heard it,” kwento ni John.
Ang Bakit Ba? ay orihinal na komposisyon ni Edwin Roxas, with Albert Tamayo as musical arranger. Ang naging vocal arranger at coach naman ni John ay si Arnie Mendoras.
Sobrang naka-relate raw si John sa message ng Bakir Ba?
“Naka-relate ako sa message at lyrics ng kanta. Dahil na rin siguro sa past experiences ko na may nagustuhan ako na girl, niligawan ko, pinaasa ako pero ang ending hindi naman naging kami kaya mabilis kong napag-aralan ang kanta,” pahayag pa ni John.
Agad naman daw inaprubahan ni Daddie Wowie na i-record ni John ang awitin.
Dalawa ang versions ng song – isang ballad at isang fast version.
To help promote the song, gumawa rin sina John ng music video ng Bakit Ba?
Si Daddie Wowie ang naghanap ng choreographer na gumawa ng dance steps na bagay sa kanta.
Si John Cheme ang napili ni Daddie Wowie na dance coach and choreographer ni John.
“Na-excite po ako when I learned na gagawa kami ng music video kasi po I can showcase my other talent which is dancing,” masayang banggit ni John.
Dumaan lang sa struggle ang paggawa ng music video kasi lahat ng preparasyon ay idinaan nila via video calls and zoom meetings until makunan nila ang video sa isang dance studio.
“Salamat na lang po talaga at magaling ang aking dance coach at nagawa namin ng maganda ang music video at na-approved agad ng management company ko,” sabi pa ni John.

“I consider myself lucky po dahil kahit sa mapaghamong panahon ngayon dahil sa pandemic, nakapag-record po ako ng isang song na pwede kong ipagmalaki, at nakapag-shoot ng isang music video na tunay naman pong pinaghirapan namin para maialay sa mga taong patuloy na sumusuporta sa akin.”
“They can stream and download the song Bakit Ba? now sa Spotify,” pagwawakas ng magaling na singer.