
Newcomer Shaun Salvador feels flattered when people notice his good looks
By John Fontanilla
Isa sa lead actor ng tinaguriang “Makabagong Guwapings” sa TV 5’s “ParangNormal Activity” ang newcomer na si Shaun Salvador. Kasama niya sa nasabing palabas sina Ryle Paolo Santiago at Andrei Garci na produced ng Ideal First Company at TV5 at mapapanood tuwing Saturday night at 8 PM, after “LolaBasyang.Com.”
Ipinanganak si Shaun noong Sept. 5, 1997 and he’s the youngest of two kids .
“My eldest sister po is 25 years old and now works with a German company. My mom naman is a pediatrician and my Dad is currently working in the U.S. Nagsimula po ako bilang TV commercial model for brands like Jollibee, Chippy and Charmee,” pakilala ni Shaun sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) nang makapanayam namin.
Ayon kay Shaun, supportive ang parents niya sa lahat ng kanyang mga endeavors. “They are very supportive naman,” he says. “Basta they remind me to prioritize my studies. As long as hindi daw naaapektuhan yung pag-aaral ko ay okay lang akong mag-showbiz .” Naiintidihan naman ni Shaun ang rule na ibinigay ng kanyang mga magulang dahil siya na lang ang nag-aaral dahil yung sister niya ay graduate na at may trabaho na nga.
Kahit baguhan si Shaun, maganda naman daw ang pakikitungo ng kanyang mga co-stars sa kanya. Sina Ryle Paolo Santiago, Andrei Garcia at Ella Cruz kasi’y pawang mga taga-Star Magic at mga datihan na sa showbiz. “Okay naman sila. Mababait sila kasi kahit dati na silang magkakakilala, they welcomed me like an old friend. Masarap silang kasama sa taping. Enjoy rin kaming lahat working with our director, Direk Perci Intalan, kasi very cool siya sa set, very approachable at hindi naninigaw,” kuwento pa ni Shaun.
“Sa “Parang Normal Activity,” I play the role of Third, a guy who comes from a family of fortune tellers. Lapitin po ako dito ng mga multo kasi meron po akong third eye.”
Aminado si Shaun na marami ang nagsasabing malakas ang dating niya dahil guwapo siya. Puwede nga raw siyang ihanay sa mga Guwapings noong araw (na tinitilian at kinabaliwan ng mga kababaihan noon). “I feel flattered kasi ayon sa mga nagkukuwento sa amin sumikat daw ng husto ang Guwapings noon. Natutuwa rin po ako na na appreciate nila yung hitsura ko, yung genes na bigay ng mga magulang ko. Nae-excite po ako at kino-consider ko pong big honor na itinuturing nila kami ngayon bilang “Gwapings ng bagong henerasyon. Sana maabot din namin yung naging kasikatan nila.”
Nagpapasalamat daw si Shaun sa TV 5 at Ideal First Company dahil sa oportunidad na ipinagkatiwala sa kanya. “I’m thankful to TV5 at sa Ideal First Company for giving me this break and I’m praying na mag-click sa viewers ang aming show para tumagal ito sa ere.”