
Newest Star Music artist Ianna dela Torre to release album on June 19
Maganda ang aura ni Ianna dela Torre nung pumirma s’ya ng kontrata sa Star Music kasama ang kanyang uncle at tumatayong manager na si Joel Mendoza.
Noong July 2013, si Ianna ang Junior Grand Champion Performer and Champion Vocalist of the World sa WCOPA 2013 na ginanap sa California, USA.
Suki rin siya ng ABS-CBN Star Magic Acting Workshop mula noong 2011 at nakatapos ng Advanced Acting Workshop Level 2 last October 2018.
She appeared sa Kapamilya shows tulad ng “Wansapanataym” and “100 Days to Heaven” at ganundin sa shows ng GMA 7 na “Daldalita” at Magpakailanman at sa TV5’s “Enchanted Garden” at “Third Eye.”
Kwento ng dalaga, sobrang saya n’ya dahil finally ay matatawag na s’yang Star Music artist. Dagdag ng singer, mas lalo pa n’yang paghuhusayan bilang isang artist.
Her album will be out on June 19, na ang carrier single ay “Pinapa.” Ayon sa newbie singer, ang “Pinapa” ay isang upbeat song written by David Dimaguila.
“Magandang song po ito sa pagpasok ng summer. Ang meaning po ng “Pinapa” ay pinapatawad, at pinapasaya. Sobrang sensitive po ng song, ito po ay about sa love sa family and friends,” paliwanag ng newest Star Music artist.
Napapakinggan na at pwede nang i-download sa Spotify ang carrier single. Binubuo ng sampung tracks ang debut album ni Ianna at pawang mga sikat na composer ang gumawa ng mga kanta niya.
Part ng album ang revival song na “Kailan” na sinulat ni Maestro Ryan Cayayab, “Always You” ni Jonathan Manalo, “LOVE is Spelled Y-O-U” ni Rox Santos, “Kahit Sa Panaginip” ni Agat Morallos, ang revival song din na “To Love Again” na sinulat ni Odette Quezada, “Through The Fire” ni David Foster, at ang “Wala Kang Kapalit,” “Alam Kong Nandyan Ka,” “Ang Sabi Mo” na pawang sinulat ni Joel.
“Finally! Thank you Lord for everything! Thank you to all the bosses of Star Music, Sir Roxy Liquigan, Sir Jonathan Manalo, Sir Rox Santos, Atty. Marivic Benedicto for this opportunity and to everyone at Star Music for welcoming me to your family. Thank you po Tito Joel Mendoza.”
Lahat ng mga awitin ni Ianna ay tiyak na kakagatin ng mga tao lalo na ng mga millennial. Maganda ang pagkaka-deliver ni Ianna at damang dama ang mensahe ng kanta.
“Yes po, makaka-relate po sila. Sana po magustuhan ninyong lahat,” pagtatapos ng dalaga.