
Newlyweds Toni Gonzaga and Paul Soriano spotted at fast food chain after wedding reception
By PSR News Bureau
Iba’t-ibang reaksyon mula sa Netizens aming nabasa tungkol sa ginawang pagpunta at pagkain nina Toni Gonzaga kasama ang asawa nitong si direk Paul Soriano sa isang fast food joint matapos ang kanilang wedding reception nang suot pa nila ang kanilang damit pangkasal. May ilan na nagsasabi na saksakan naman daw ng ‘papansin’ ang mag-asawa at gusto lang daw umano nila ng ‘publicity’ para mas lalo silang pag-usapan. Ang iba nga’y masyado nang personal kung bumanat sa aktres dahil ang tawag talaga sa kanya ng mga ito ay ‘Pangga.’ Kaya naman nagtanong-tanong pa kami kung ano ang masasabi nila sa naturang isyu, paraan nga kaya ng mag-asawa iyon para mapagusapan sila o talaga lang nagutom sila?
“It’s their life, not ours. Let’s just mind our own lives na lang.” –MC Capadiso, Video Editor
“Kanya-kanya ang trip ng tao. Kung totoo mang ‘bayad’ yun for publicity’s sake or hindi, ‘moment’ nila iyon.” –Dan Lester Balingit, Office Staff
“Cute yung ginawa nila Toni and Paul. Unique yun para sa katulad nilang iba yung estado sa buhay na kumain sa isang simpleng fast food kahit pa sabihin mang endorser ng nasabing fast food si Toni.” –Jose Mario Dela Cruz, Graphic Artist
“Personally, I think it doesn’t really matter kung gutom lang talaga yung dahilan ng pagpunta nila sa fast food na iyon. What’s more important is that the newlyweds were able to make people happy, particularly, the ones who were dining at the time of their visit. The fans had the opportunity to take photos with them and I heard they were also given free foods courtesy of the two [Toni and Paul]. So hayaan na lang natin, anyway kahit anong gawin naman nila since they are both well-known personalities, may masasabi palagi ang mga tao. Ang importante ay naging masaya sila, nakapagpasaya sila at wala silang tinapakang tao.” –Vance Madrid, blogger and social media manager