
Is news anchor Kaye Dacer dating a hunk model?
Pagkatapos ma-link ang pangalan sa isang hunk model na si Niel Perez ang batikang broadcaster na si Kaye Dacer, heto’t isa na namang matikas at guwapong modelo ang natsitsismis sa kanya. Striking nga ang beauty ng kilalang personalidad na ito dahil hindi lamang malakas sa sex appeal ang mga nali- link sa kanya kundi mga guwapo talagang maituturing. At ang latest nga ay ang modelong si Ben Isaac. Madalas daw makita together sina Kaye at Ben kaya hindi maiwasang bigyan ng kulay ang samahan nila.
May isa ngang lumabas na blind item sa isang kilalang tabloid na magka- holding hands sila na naispatan sa isang lugar. Pero sa mga tsismis na ito ay isa lang ang pupuwede naming sabihin. Maaari ngang may nakakakitang magkasama sila pero siguradong hanggang kaibigan lang o barkada ang matatawag dun.
Kilala kasi namin siya na halos ang barkada niya ay mga kalalakihan. Would you believe na ang favorite sport niya ay basketball at puro lalaki ang kalaro niya?. Minsan nga ay natatanong siya kung hindi ba siya tibo o may pusong lalaki dahil bukod sa naturang laro ay nagba-boxing din sya at iba pang larong lalaki.
Kung halimbawa mang napapalapit sa kanya ang modelong si Ben ay mukhang mahihirapan ito dahil kilala namin ang isang Kaye Dacer na mahirap magmahal at hindi basta-basta napapaibig agad. Suwerte si Ben kung mapaibig niya ang ‘Aksiyon Lady’ ng Philippine Broadcasting dahil daig pa niya ang tumama ng malaking halaga sa lotto.
[divider]
2015 Gawad Urian list of winners
Matagumpay na nairaos ang Gawad Urian 2015 na ginanap sa Dolphy Theatre sa ABS-CBN noong Martes ng June 16. Maganda ang resulta ng winners nila at walang tumaas ang kilay sa mga napili nilang nagsipagwagi. Narito ang buong listahan ng mga nanalo:
Best Picture: Mula sa Kung Ano Ang Noon (Sine Olivia Pilipinas)
Best Director: Lav Diaz, Mula sa Kung Ano Ang Noon
Best Actor: Allen Dizon, Magkakabaung
Best Actress: Eula Valdez, Dagitab
Best Supporting Actor: Martin del Rosario, Dagitab
Best Supporting Actress: Gladys Reyes, Magkakabaung
Best Screenplay: Lav Diaz, Mula Sa Kung Ano Ang Noon
Best Short Film: Adolfo Alix, Jr., Kinabukasan
Best Documentary: Lester Valle, Walang Rape sa Bontoc
Best Cinematography: Neil Daza, Bwaya
Best Production Design: Popo Diaz, Dementia
Best Editing: Lav Diaz, Mula Sa Kung Ano ang Noon
Best Music: Erwin Fajardo, Bwaya
Best Sound: Corinne De San Jose, Violator
Ang Natatanging Gawad Urian: Nora Aunor