
Nick Vera Perez: Ang ganda ng Mother’s Day ko
Nasa bansa na ulit ang magaling na singer na si Nick Vera Perez para i-promote ang kanyang first ever album entitled “I AM READY” mula sa Warner Music Phils.
Magiging busy siya sa mga mall show, at radio guestings bilang bahagi ng promotion ng kanyang album.
Ang “I AM Ready” ay may 12 tracks namely Alapaap, ‘Di Maglalaho, ‘Di Ko Na Kaya, Another Chance, Hintayin Ko Na Lang, Three Best Words, I Believe In You, Dito Sa Aking Puso, My Mom, You’re My Hero, Keep The Fire Burning Within at I Am Ready.
Hindi lang isang singer si Nick, kundi isa rin siyang head nurse sa Illinois Chicago.
Tuwing buwan ng Mayo siya umuuwi ng Pinas, hindi lamang para sa promotion ng kanyang album, kundi para gunitain din ang kamatayan ng kanyang pinakamamahal na ama. Namatay ang kanyang ama nung May 13, 2011.
Matagal nang wish ni Nick na makita sa panaginip ang ama, at natutuwa siya dahil nangyari na ito.
Nung mismong araw ng kamatayan ng kanyang ama and at the same time ay Mother’s Day, nakausap niya ito sa panaginip.
“May 13, that’s very mabigat na day para sa akin. That was the time my father passed away. So all I wanted was to see him again, kahit man lang sa panaginip.
“After 7 years, nagpakita siya sa akin, So instead of crying, I was smiling. At least na-fulfill ba? It made my day complete. So parang ang ganda ng Mother’s Day ko, nakita ko si papa.”
Pero sa panaginip daw niyang ‘yun ay humihingi siya ng sorry sa papa niya. Kasi nung nabubuhay pa ito ay may nagawa rin siyang kasalanan o pagkakamali rito.
Kahit sabihing successful sa buhay si Nick, hindi rin naman lagi siyang masaya.
Dumarating din ang time na nagkakaroon siya ng problema.
Paano ba niya hina-handle ang mga nai-encouter niyang problema?
“I go inside my room alone and then I cry. Kasi ako ‘yung tipong, I don’t wanna people to see me cry. I just want them to see me laugh and smile. Minsan lang sa life namin, hindi ko maiiwasan, namumula ‘yung mata ko. I think all artist di ba, mga emotional?”