May 23, 2025
Nick Vera Perez eyeing for indie film, teleserye, concert
Latest Articles Rodelistic

Nick Vera Perez eyeing for indie film, teleserye, concert

Jun 26, 2018

Nasa Chicago, Illinois na ang The Singing Nurse na si NICK VERA PEREZ matapos ang matagumpay niyang series of shows noong nakaraang buwan sa Pilipinas at ang bonggang grand reunion kasama ang kaniyang pamilya, mga kaibigan at ang kaniyang NVP Angels.

Sobrang saya nga niya dahil nagkaroon siya ng chance na ma-meet ng personal ang kanyang mga Angels na galing pa sa Japan, Kuwait, Dubai, Sweden, USA, Bicol, Pangasinan at Cebu.

Siyempre pa, sa mga hindi nakapunta sa grand reunion ay siya na mismo ang gumawa ng paraan para makasama ang iba niyang fans sa pamamagitan ng kaniyang series of shows.

Grabe nga ang energy ng magaling na singer dahil sa maikling panahong pamamalagi sa Pilipinas ay naikot niya halos lahat ng mga mall para sa promotion ng kanyang album at mall tour.

Kabilang sa mga pinuntahan niya ang SM Sucat Paranaque, Centris Mall, Fisher Mall, Sta. Lucia, SM Novaliches, The District Ayala Mall, DasmariƱas Cavite, SM Marilao, Pavillion Mall Binan Laguna, Starmall, Alabang at Farmers Cubao. Bukod pa rito ang ilang singing engagements niya at invitations mula sa kaniyang mga kaibigan.

Kahit malayo na ang narating ni NVP ay nananatili pa rin siyang mapagpakumbaba.

received_10213721829054573

Hindi siya nagbago ng ugali lalo na sa mga taong nakasama niya noong nagsisimula siya.

Ang maganda pa sa kaniya kapag umuuwi siya sa ating bansa ay hindi siya nakakalimot na puntahan at magbigay ng oras sa mga kaibigan nya.

Hindi rin niya nakakalimutan ang magkawanggawa sa mga taong nangangailangan.

Panata na nga niya na gumawa ng kabutihan sa pamamagitan ng mga charity works na binibigyan niya ng oras kapag narito siya sa Pilipinas.

received_10213721828414557

Saksi kami sa kabutihan niya dahil siya ‘yung taong madaling lapitan at maawain. May malambot siyang puso na handang magmalasakit sa mga tao.

Samantala, patuloy na tinatangkilik ang kaniyang album na “I Am Ready” ng Warner Music Philippines.

Available na rin ito sa mga digital stores gaya ng Spotify, ITunes, Apple Music, Google Play, Pandor at sa Amazon Music.

Ang mga awiting maririnig sa kanyang I Am Ready album na Alapaap, Dito sa Aking Puso, My MOM, ‘Di Maglalaho, Hintayin Ko Na Lang, Three Best Words, You’re My Hero, I Believe In You, Keep The Fire Burning, Di Ko Na Kaya at Another Chance ay tunay nga namang relatable.

Sabi nga ay may tagos sa puso ang mga kanta niya na sumasalamin sa buhay pag-ibig, sa kaibigan at pamilya.

received_10213721828494559

“The album will inspire everyone to understand we are humans and we all go through levels of differences in our lives. From heartaches to giving up and most of all to loving our moms, family and friends as well as the main focus is you, you need to stand up and be ready again.”

Siyangapala, kaabang-abang ang mga proyekto niya sa susunod na taon
gaya ng online store (NVP apparels and novelties), more charity, makapag-produce ng Indie film, umarte sa pelikula at teleserye. At siyempre ang concert niya sa Music Museum.

Leave a comment