May 22, 2025
A night of ties in Movie Actor of the Year, Movie Supporting Actress of the Year and Movie Child Performer of the Year
This is it!

A night of ties in Movie Actor of the Year, Movie Supporting Actress of the Year and Movie Child Performer of the Year

Mar 9, 2015

Rommel_Placente
by Rommel Placente

Gabi ng tie ang katatapos lang na Star Awards For Movies na ginanap sa The Theater, Solaire nung Linggo ng gabi. Sina Piolo Pascual para sa pelikula nila ni Toni Gonzaga na ‘One More Chance’ at John Lloyd Cruz para sa pelikula niyang ‘The Trial’ ang winners para sa Movie Actor of the Year. Present sa okasyon si Piolo kaya personal niyang natanggap ang kanyang trophy, si Lloydie naman ay no show sa nasabing awards night dahil nasa Baguio ito para sa shooting ng bago niyang pelikula.

Piolo Pascual

Ang dalawang co-stars ni Lloydie sa ‘The Trial’ na si Sylvia Sanchez, na gumanap dito bilang kanyang ina na isang tomboy at si Gretchen Barretto bilang asawa ni Richard Gomez ang wagi naman bilang ‘Movie Supporting Actress of the Year’. Magkatabi sa upuan at magkahawak-kamay pa ang dalawa bago i-announce ang winner para sa kanlang kategorya. Pareho silang nagulat nang ang pangalan nila ang tinawag bilang Movie Supporting Actress of the Year.

Gretchen and Sylvia 01

Si Bimby Yap na gumanap bilang anak ni Richard Yap sa pelikulang pinagbidahan ni Vice Ganda na ‘Praybeyt Benjamin’ at Miggs Cuadero bilang may kakulangan sa pag-iisip sa pelikulang ‘Asintado’ ay tie rin para naman sa kategoryang Movie Child Performer of the Year. Hindi sabay na umakyat sa stage ang dalawang bagets. Nauna si Miggs bago si Bimby, na hingal na hingal habang dini-deliver ang kanyang acceptance speech. Kasama niya ng gabing ‘yun ang kanyang inang si Kris Aquino na kitang-kita namin sa kanyang mukha ang sobrang kaligayahan sa pagkapanalo ng kanyang bunsong anak. Tawa siya ng tawa habang kinukunan ng picture si Bimby sa stage.

Bimby Yap

 

Sa lahat ng nanalo sa Star Awards For Movies, our congratulations.

 

[su_divider]____[/su_divider]

548x276xpari-koy.jpg.pagespeed.ic.C5iHNFCCde

Sa bagong serye ni Dingdong Dantes sa GMA 7 na “Pari Koy”, ang pangalan ng paring karakter niya rito ay Jericho Evangelista. Maraming fans ni Dingdong at Marian Rivera ang nagrereak at nire-request na palitan ang pangalan niya dahil kombinasyon daw ito ng names ng ex-sweethearts na sina Jericho at Heart.

Pero sabi ni Dong, hindi raw siya ang writer ng kanilang serye at wala raw siyang kinalaman doon. Gumaganap lang daw siya at masaya siya sa role na ibinigay sa kanya. At nagkataon lang daw na ‘yun ang pangalan niya sa kanilang serye.

Follow me…

social networkingRommel Placente
@rommelplacente
/rommelplacente

Leave a comment

Leave a Reply