May 22, 2025
Nikki Gil and BJ Albert ties the knot
Home Page Slider Latest Articles

Nikki Gil and BJ Albert ties the knot

Nov 23, 2015

by PSR News Bureau

nikki 2Mababakas sa mukha ng singer-actress na si  Nikki Gil ang lubos na kaligayahan nang ikasal ito nito lang Sabado, November 21, kay BJ Albert [anak ng socialite na si Cris at Butch Albert na owner ng Fila Philippines] sa isang garden wedding sa pribadong Sta. Elena Golf and Country Club sa Laguna. Sadyang pili lamang ang mga inimbitang bisita ng dalawa. Ilan sa mga kaibigan ni Nikki na taga-showbiz na naroroon upang makisaya sa nasabing seremonya ay sina Iya Villania-Arellano [na siyang nagsilbing matron of honor], Shaina Magdayao, John Prats at Isabel Oli. Naging bahagi ng entourage ni Nikki sina Shaina, Bianca Roque at TV host/model na si Patty Laurel.

nikki 1Naroroon din sina Gary Valenciano [ama ng naging ex boyfriend ng aktres na si Gab Valenciano], Jose Mari Chan, Sam Milby, Khalil Kaimo, Robin Nievera at Cesca Litton.

Maganda at makulay ang kuwentong pag-ibig nina Nikki at BJ. Dati na silang nagkikita bilang schoolmates sa Ateneo De Manila University kung saan pareho silang kumukuha ng kurso sa kolehiyo. Gayunman, hindi sila formally introduced hanggang sa mayroon silang isang common friend na nagpakilala sa kanilang dalawa at nag-set ng isang ‘actual date’ noong taong 2013. Ito naman yung mga panahon na kakahiwalay pa lamang ni Nikki sa ex boyfriend nitong si Billy Crawford matapos ang pitong taong relasyon niya dito.

nikki 4Magmula nga noon ay naging constant date na ni Nikki ang binatang si BJ na mula sa mayamang angkan ng mga businessman na nagmamay-ari ng FILA. Taong 2014 nang maging opisyal na magkasintahan sina BJ at Nikki. At noon ngang nakaraang December 13, 2014, pormal nang nag-propose si BJ kay Nikki kung maaari na niya itong pakasalan. And the rest as they say is now history. They are now officially known as Mr. and Mrs. Albert.

Congratulations to Nikki Gil and husband BJ Albert! Best wishes from Philippine Showbiz Republic (PSR.ph).

Leave a comment

Leave a Reply