
Nikki Gil reveals engagement with BJ Albert, nephew of Joey Albert
by Mildred Amistad Bacud
December 13 last year pa pala na-engaged ang singer/actress sa non-showbiz boyfriend nito na si BJ Albert, pamangkin ng singer na si Joey Albert. Memorable daw ang date dahil 12-13-24. Sa Bandila ay diretsong kinuwento ni Nikki ang nasabing engagement at pinakita pa nito ang singsing.
Hiningi muna raw ng fiancé ang blessing ng kanyang mga magulang bago ito mag-propose. Ang inakalang corporate event na dadaluhan niya ay ang gabing magpo-propose na pala si BJ.
“Nang nag-sink in na sa akin, naglabasan na ang mga friends ko.”
Hindi raw inanunsiyo kaagad ng singer/actress ang tungkol dito bilang respeto na rin dahil hindi naman showbiz personality si BJ.
“He’s an enterprenuer. He handles most of their family’s businesses. We have the same close friends, church friends and we’re both from Ateneo together.”
Isang taon lamang tumatakbo ang relasyon ng dalawa kaya may mga nagtatanong kung bakit mabilis ang engagement.
“Para sa akin ha wala ‘yan sa number of years. I would have wanted that kind of story na mahaba yung history niyo pero it doesn’t follow eh.
Bago pa man inamin ni Nikki ang nasabing balita ay marami na ang nakakaalam dahil sa mga post niya sa Instagram ay suot niya ang nasabing engagement ring.
Follow me…
Mildred Bacud
@dredzbacud
/mildredamistadbacud