May 22, 2025
‘Nila Lang’ MV by Arvin Belarmino, Rookie recognized at Cinego Shorts
Latest Articles

‘Nila Lang’ MV by Arvin Belarmino, Rookie recognized at Cinego Shorts

Jun 8, 2021

Ang “Nila Lang” o “Creature” music video ay tinatampukan ng hip-hop artist from Cavite na si Rookie at dinirek ng award-winning director na si Arvin Belarmino.

Ang Urban Ronin naman ang nagproduce ng music na unang musical collaboration nina Rookie at Direk Arvin.

Cinego Shorts is an international competition for music videos that showcases a diversity of visual works from all over the world.

It aims to visually explore what music means to people as storytellers.

The event will run online from June 18-21, 2021, and will be free to watch globally.

Ang ibang entries sa CineGo Shorts ay nagmula sa iba’t-ibang panig ng mundo kabilang ang France, United Kingdom, Thailand, at Estados Unidos.

Ayon kay Direk Arvin, ito ang una niyang pagsali sa CineGo Shorts competition although marami na rin siyang nagawang music video.

“Nang malaman namin na pwede mag-submit ng entry online, sinubukan lang namin kasi first time namin mag-submit ng entry sa isang international competition for music videos,” pahayag pa ni Direk Arvin.

“Pero hindi po namin inaasahan ni Rookie na makakapasok kami. Kaya sobrang blessed and masaya rin para sa hip-hop underground scene dito sa Dasmarinas, Cavite.”

Ano ang reaction ni Rookie nang malaman niya na napili ang “Nila Lang” as entry sa CineGo Shorts?

“Nung nabasa ko ‘yung balita na napili at pumasok ung MV namin sa Cinego Shorts, feeling ko ang light ng paligid as in magaan at maliwanag kasi nakakataba ng puso dahil sobrang ‘di naman namin ito inaasahan.

“Alam lang namin, nagawa namin ang mga kabaliwan namin at wala sa imahinasyon ko na dadalhin kami nun sa Cinego Shorts kung saan makakalinya namin ‘yung iba’t ibang mga artist sa sulok ng mundo. 

“Kaya ang gaan niya sa ulo nakaka-empower at nakakatuwa para sa akin at sa buong pamilya na sa ganoon kami dadalhin ng kabaliwan namin,” dugtong pa ni Rookie.

Ano ang concept ng music video at sino ang nakaisip nito?

“Ang concept ng video ay galing sa idea ni Direk Arvin kung saan ipinakita na ang pagka-superior ng tao bilang isang nilalang sa iba pang uri ng nilalang at sa kalikasan ay masyadong makasarili. Ipinapakita sa video na ang tao at kalikasan dapat ay iisa. 

“Katulad na lang ng clip sa vid na kung saan ibinaon ako sa lupa. Ang pagkain ng bulate sa video ay sumisimbolo sa pag consume ng tao sa ibang nabubuhay na nilalang at ang pag piko sa sarili kong ulo ay nagpapakita na bilang isang tao minsan na rin akong naging peste sa ibang nilalang at sa kalikasan kung kaya’t sarili mo lang din ang makakapagbago nito. 

“Pinatay ko ang sarili ko sa video, meaning na kasama ako sa tinutukoy ko nilalang sa konsepto ng kanta.”

Leave a comment