May 24, 2025
No doubt: Sunshine Dizon still shines at GMA
Latest Articles This is it!

No doubt: Sunshine Dizon still shines at GMA

May 23, 2017

Si Sunshine Dizon pa rin ang tunay na Reyna ng GMA 7.  Lahat kasi ng seryeng ginagawa niya ay laging panalo sa rating.

Tulad na lang nitong Ika-6 Na Utos, consistent na mataas ang nakukuha nitong rating. Paborito itong panoorin ng tao.  At dahil nga sa taas ng rating nito kaya nagdesisyon ang GMA 7 na ipalabas na rin ito tuwing Sabado, na first time nangyari sa isang serye ng Kapuso network.

Photo from Sunshine's instagram account
Photo from Sunshine’s instagram account

Sa naturang serye ay ang husay-husay ni Shine. Siguradong next year ay mapapansin na naman ng Star Awards For Televison ang acting na ipinamamalas niya sa seryeng pinagbibidahan niya.

Ilan sa mga serye na ginawa ni Shine na nagbigay sa kanya ng Best Actress ay ang Bakekang, Encantadia, at Impostora.

Naging Best Supporting Actress naman siya for Little Nanay at Best Single Performance by an Actress para sa Magpakailanman eposode na “Butch”.  Si Sunshine, among her contemporaries sa GMA, ang masasabi naming may pinakamaraming acting awards na natanggap.  Hindi naman kasi talaga matatawaran ang husay niya sa pag-arte, na kahit anong role ang ibigay sa kanya ay nagagampanan niya ito with flying colors.

Leave a comment