
“I no longer wish for my mom to have a partner in life. She doesn’t need a man to complete her and she has us anyway.” – Inah Estrada
Kung dati ang pagiging makeup artist lang ang kanyang kinakarir, ngayon desidido na rin si Inah Estrada, anak nina Janice de Belen at John Estrada na gumawa ng pangalan sa showbiz.
As a makeup artist, marami na ring siyang naging kliyente tulad nina Derek Ramsay, Bamboo at iba pang showbiz celebrities, and of course, her mom.
Kaya nga nang siya ang na-tap ng TV5 na gumanap sa isang Wattpad series, hindi na niya pinalampas ang pagkakataon.
Hindi ka ba pressured considering na anak ka ng mga award-winning actors na tinitingala sa industriya dahil sa expectations nila sa iyo?
“I admit na pressured ako. Pero noong pinasok ko ito, sinabi naman sa akin ng Mom at Dad ko na paghandaan ko na ang consequences ng aking naging desisyon. Natural lang na ikumpara ako sa kanila dahil sila ay very good actors na may napatunayan na sa showbiz kumpara sa akin na nagsisimula pa lang,” lahad ni Inah.
Ano ang best advice na naibigay sa iyo ng parents mo sa pagpasok mo sa showbusiness?
“Be yourself. Be humble. Keep your feet on the ground. Be considerate sa makakatrabaho mo,” sabi pa ni Inah.
How did you deal with the breakup of your parents?
“That was a long time ago. Noong una, matagal bago nag-sink in sa akin pero natanggap ko na rin eventually,” pagbabalik-tanaw niya.
Umaasa ka pa ba na one day, sana magkabalikan ang mga parents mo?
“Hindi na. I’m happy for them. They are in a better place now. They’re happier when they are not together. Happy na ang Dad with my stepmom at okay na ako roon. Besides, nakakapag-usp na naman sila hindi tulad nang dati,” aniya.
How about your mom, hindi mo na wini-wish na sana makahanap din siya ng partner niya sa buhay?
“Hindi. My Mom kasi, she doesn’t need a man to complete her. She already has us,” makahulugang pahayag ni Inah. “And knowing my mom, mas maligaya siya na unattached, walang pressure sa relationship,” pahabol niya.
Si Inah Estrada ay mapapanood sa Wattpad Presents: The Nerdy Girl Turns into a Hottie Chick” na magsisimulang umere sa Abril 20, Lunes hanggang Biyernes kung saan katambal niya ang Artista Academy alumnus na si Akihiro Blanco.
Gagmpanan ni Ina ang papel ni Annette na isang kilalang fashion magazine entrepreneur na isang dating “geeky girl” na naging kumplikado ang buhay nang magbalik si Zane (Blanco) ang kanyang kababatang muling pupukaw sa kanyang puso ang ang ginagampanan ni Inah sa naturang Wattpad series