May 23, 2025
No time for family? Sylvia set to do five films
Latest Articles

No time for family? Sylvia set to do five films

Feb 21, 2020

MABUTI na lang at tapos na si Sylvia Sanchez ng shooting ng Coming Home, na pinagtatambalan nila ni former senator Jinggoy Estrada. 

At least, may time na siya para sa mister niyang si Art Atayde. Nawalan kasi siya ng time kay Papa Art nung kasagsagan ng paggawa niya ng nasabing pelikula, and at the same time ay taping niya para sa drama series niya sa ABS-CBN 2 na Pamilya Ko. 

Monday, Wednesaday, Friday ang araw ng shoot niya para sa Coming Home, at Tuesday, Thursday at Saturday naman ang taping niya para sa seryeng pinagbibidahan niya. 

At ‘pag Sunday, misan ay nagkakaroon din kasi siya ng work. Kaya ngayong bakante na siya ng MWF, ay ilalaan niya ang oras sa pamilya at kay Papa Art. 

Pero, magiging busy ulit ang award-winning actress sa paggawa ng pelikula, huh! Lima pa ang nakatakda niyang gawin. 

O, ‘di ba, super in-demand talaga ngayon si Ibyang? Hindi siya nawawalan ng work. 

Bukod kasi sa mahusay na aktres ay professional pa siya.

Samantala, isa na namang award ang mapapasakamay ni Ibyang. Isa siya sa pararangalan ng North Europe International Film Festival 2020 bilang Best Lead Actress In A Foreign Language Film para sa pelikula niyang Jesusa.

O ‘di ba, international Best Actress na si Ibyang? Hindi lang dito sa atin kinikilala ang husay niya sa pagganap, maging sa ibang bansa rin? Our congratulations to Ms. Sylvia Sanchez.

Leave a comment