May 22, 2025
Nora-Vilma restored classic film ‘T-BIRD at AKO’, in retrospect; Iconic legacy in the Philippine cinema continues
Faces and Places Latest Articles Movies

Nora-Vilma restored classic film ‘T-BIRD at AKO’, in retrospect; Iconic legacy in the Philippine cinema continues

Feb 27, 2015

by Ronald M. Rafer

tbird at ako

Nagkaroon ng advanced showing ang ‘T-BIRD AT AKO’ (the restored version – thanks to Ms. Charo Santos na siyang utak para sa restoration ng mga classic film na tunay na may malasakit sa kanyang pinagmulan and to Sir Leo Katigbak, ABS-CBN Film Archives Head) na ginawa noong 1982 at unang pagsasama ng itinuturing na greatest actresses of the Philippine cinema, Superstar Ms. Nora Aunor & Star For All Season and incumbent Batangas Governor Ms. Vilma Santos.

tbirdatakoadMuli, nakita ko ang tagisan sa pag-arte ng dalawang pinakamalaking bituin ng ating local entertainment, ang ganda ng story mula kay Portia Ilagan at ang napakahenyong direksyon ng yumaong Danny Zialcita..

Dumating si Nora kasama ang kanyang mga tapat na tagahanga subalit wala si Vilma. Ganunpaman, andun ang mga fan niya na tumitili at pumapalakpak sa bawat eksena ng idolo nila.

Bago ang palabas ay nagsalita si Ate Guy at nagpasalamat sa kanyang mga fan at sa mga fan na rin ni Ate Vi. Nagbalik-tanaw siya na nung time na ginawa nila ng mahigpit na karibal ay masuwerte sila dahil nabibigyan na sila ng mga dekalibreng pelikula.

Kapwa napakahusay nina Ate Guy at Ate Vi sa kani-kanilang papel.  Si Nora bilang isang abogada at confused sa kanyang sexual preference at si Vilma bilang isang mananayaw-hostess na inakusahan bilang isang mamamatay-tao.

t-bird-at-ako2‘Yun lang, mas mahirap ang role ni Nora at hindi siya ang nakita namin kundi si Nora bilang si Sylvia, ang mahusay na abogado.

Mahusay niyang nagampanan ang role na iyon. May mga eksena si Ate Guy na nangingibabaw ang presence niya lalo na kapag pinapagalaw na niya ang kanyang mga mata.

Tatak-Nora, kumbaga. Mabuti at pumayag si Vilma na makasama si Nora dahil nung time na ginawa nila ang pelikula ay nanatiling “poor second” lang ang ang una lalo’t tinalo siya ng Superstar sa isang award-giving body kung saan si Nora ang tinanghal na “Best Performer” para sa pelikulang ‘Atsay’.

Pinakagusto namin ay ‘yung eksenang nagpaalam si Vilma (Isabel) kay Nora(Sylvia) na papasok sa bar at nangakong huling gabi na niya ‘yun.

Hinalikan ni Isabel si Sylvia bago ito umalis nang nakangiti. Natuwa naman si Sylvia at sapo ang pisngi na masaya ito.
Tahimik ang audience sa confrontation scene ng dalawa.

tbirdIntense ang eksenang iyon bago ang sampalan nila. Pagkatapos nun sandaling titigan ng dalawa bago humupa ang tensyon.Pakiramdam namin ay dun din nakahinga ng maluwag ang mga Noranians at Vilmanians na pumuno sa buong sinehan.

Nagtapos ang eksena na muling nagtagpo sina Vilma at Dindo Fernando (ama ng anak niya) sa isang hotel at babaing-babae nang humarap si Nora kay Tommy Abuel (abogadong patay na patay sa kanya). Maririnig ang theme song na inawit ni Ate Guy sa ending kasabay ng credits ng pelikula at maririning mo na ang malakas na palakpakan habang nagtatayuan ang mga tao para sa napakagandang pelikula.

Gusto rin naming palakpakan ang mga supporting cast ng movie na sina Ms. Odette Khan at Ms. Suzanne Gonzales,  na napakahusay din sa role nila) Ms. Rosemarie Gil at Ms. Liza Lorena.

Sa labas ng UP Film Center ay nakausap namin ang sumulat ng istorya, si Portia Ilagan at sinabi niyang may planong i-remake ang ‘T-BIRD AT AKO’ at para sa kanya, sina Bea Alonzo at Angel Locsinang gusto niyang gumanap sa papel nina Vilma at Nora respectively. Sabi pa niya, gusto ANGEL AND bEAniyang may participation pa rin dun ang Superstar at Star for All Season plus Aiza Seguerra at Liza Dino.

Hindi totoong nag-walk-out si Nora dahil wala na ito sa venue ng matapos ang pelikula. She gracefully exit dahil mayroon pa siyang importanteng lakad.

Ang mahalaga ay nagbigay siya ng oras para sa mga tagahanga niyang umasang darating siya. As for Vilma, ang sabi ay may nauna na raw itong appointment kahit na special holiday pa nung araw na iyon.

Ipapalabas ang ‘T-Bird at Ako’ sa March sa mga sinehan.

Leave a comment

Leave a Reply