May 22, 2025
Nora Aunor on national artist award: Mag move-on na po tayo
Latest Articles

Nora Aunor on national artist award: Mag move-on na po tayo

Oct 25, 2018

HINDI pa rin tinatantanan ang Malacañang sa hindi pagkakahirang kay Nora Aunor bilang National Artist for Cinema. Maraming nadismaya sa naging desisyon ng palasyo. Ani ng karamihan, deserving na makuha ng Superstar ang pinakamataas na pagkilala sa isang Filipino artist.

Narito ang official statement ng Superstar:

Noong panahon ni Pnoy na unang napasali ang pangalang Nora Aunor sa listahan ng National Artist lagi ko ng sinasabi na hindi ko iniisip na maging National Artist. Sa sarili ko kasing opinyon may mga alagad ng sining tayo na naging haligi na sa industriya na masasabi kong mas karapat- dapat bigyan ng karangalan bilang isang National Artist tulad ni Dolphy at Iba pa na malaki ang naiambag nila sa industriya ng sining at kultura natin. Naging mapalad lang po ako dahil kahit papaano ay may mga achievements ako na nagawa bilang isang artista at mang-aawit na nakikita po ng ibang tao.

Nakagawa rin po ng stage plays tulad ng Minsa’y Isang GAMU GAMO, TROJAN WOMEN, DH (DOMESTIC HELPER) ito ang stage play na hindi lang dito sa Pilipinas ipinalabas kundi sa 7 lugar sa ibang bansa tulad ng Spain, Europe, LA, Las Vegas, San Francisco, Seattle… Nagkaroon ng TV show na Superstar na nagtagal ng 22years, drama series na “Ang MAKULAY Na DAIGDIG ni Nora” na halos kasing tagal rin po ng SUPERSTAR. Maliban rito, mga concerts na ginawa ko para magbigay saya sa mga kababayan natin dito at sa ibang bansa. Bilang singer naman po ay alam ko po nakapagdulot naman po ako ng kasiyahan kahit papano sa mga tao.

Gumawa ng mga maraming pelikula na alam ko po na muli kahit papaano ay nakapagbigay ng inspirasyon , aral , kamulatan sa mga tao. May mga pelikula rin po ako na isinali sa Iba’t-ibang film festivals abroad tulad ng Flor Contemplation, Bakit May Kahapo Pa?, Thy Womb etc. Nagprodyus ng pelikula sa ilalim ng sariling movie outfit, ang NV PRODUCTIONS. Kinilala rin ng mga tao at sa ibang bansa ang mga pelikulang Tatlong Taong Walang Diyos , Bona na ipinalabas sa Directors Fortnight sa Cannes Film Festival.

Balik po tayo sa administrasyon ni Pnoy . Pumasok nga ang pangalang Nora Aunor sa listahan ng National Artist. Siyempre, natuwa po ako dahil nagbunga ang paghihirap kong makagawa ng mga pelikulang de kalidad at kapupulutan ng aral ng mga tao lalo na ng mga kabataan at estudyante . Noong tanggalin ang pangalan ko ni Aquino sa listahan ng NA ay nagulat po ako at tinanong ko ang sarili ko , BAKIT?. Ang rason ni Pnoy, tinanggal ako dahil nakulong raw ako sa states dahil sa droga na sinagot naman ng mga abogado kong sina Atty. Claire Espina at Atty. Edelberg na hindi totoo.

May mga tao, mga kasamahan sa trabaho, mga kaibigan na nagalit lalo na ang mga NORANIANS sa pagtanggal ng pangalang Nora Aunor sa pagiging National Artist. Hindi ako kumibo, nanahimik lang ako.. Simula noon, nagsunod- sunod ang imbitasyon sa akin ng mga GURO sa IBA’T ibang UNIBERSIDAD tulad ng UP, ATENEO, DE LASALLE COLLEGE, FEU, etc. para parangalan nila ako sa mga ginawa kong kontribusyon sa industriya.

Muli, sa administrasyon ni Duterte nagkaroon na naman ng deliberation para sa hihiranging mga National Artist. Automatic na ang pangalang Nora Aunor sabi ng NCCA sa listahan ng tatanghaling National Artist . Hindi na ako kasama sa deliberation dahil dapat noong panahon pa ni Pnoy ay dapat daw ay ipinagkaloob na sa akin ang NA pero hindi nangyari. Dito ngayon sa administrasyon ni Duterte ay naulit uli ang pagtanggal ng pangalang Nora Aunor sa listahan ng National Artist. Tinanong ko na naman ang sarili ko.. Ano ba ang NATIONAL ARTIST? Ano ang criteria ng NCCA at CCP para gawing National Artist ang isang tao? Bakit pa nila ako isinali rito kung hindi naman ako pala ako karapat dapat?. Kailangan bang sumipsip ka sa administrasyon para ipagkaloob sa iyo kahit hindi dapat na maging sa iyo?.

Tulad ng sinabi ko dati pa ay kung maging National Artist man ako o hindi ay tuloy pa rin ang takbo ng BUHAY natin. Laking pasasalamat ko sa DIYOS na nakapagtrabaho pa rin ako ngayon at binigyan ako ng mga totoong mga tagahanga , ilang mga kaibigan na tunay na nagmamalasakit , nagtatanggol at nagmamahal ng walang katapusan. Nalungkot lang ako at sumama ang loob ko para sa mga Noranians at mga kaibigan na nagtulung-tulong, naniniwala at nakikipaglaban sa akin mula pa sa Tawag Ng Tanghalan hanggang ngayon. Ilang years na ba? 51 years na ang nakakaraan.

Sa mga minamahal Kong mga Noranians, mga kaibigan sa press na nagmamahal pa rin sa akin, hayaan na natin ang nangyari. Kung para sa atin ipagkakaloob din iyan ng Diyos sa tamang panahon at kung hindi para sa atin kahit anong pilit ang gawin natin Hindi NIYA ito ibibigay. Mas lalo kayong magkaisa, magkasundo, at magmahalan. Nadudurog ang puso ko para sa inyo. Kalimutan muna po natin iyan. Magmove-on na po tayo at magsimula po tayo uli para sa ating magandang layunin para sa ating kapwa. Ang ONANAY muna ang tanging maialay ko sa inyo na huwag kalilimutang panoorin. Iniaalay namin ito para sa inyo. MAHAL NA MAHAL ko kayong lahat.

Samantala, narito naman ang pahayag ng palasyo:

The artistical and musical legend that is Nora Aunor may not have passed the critical eyes of a select juror and the awarding authority to be bestowed the National Artist award but her enrapturing film artistry and musicality and mass acceptance surpass any technical recognition given by any entity or authority. Her phenomenal rise to movie and musical stardom that counted a generation of shrieking and adoring fans unparalleled in the movie and music industry is a walking testament to her mesmerizing artistry and singing voice and the people’s acceptance. She truly is the crowned people’s artist.

Ms. Nora Aunor is still young and in God’s perfect time we are optimistic that she will be proclaimed as a National Artist. Her non-inclusion does not diminish her iconic stature as the country’s Superstar and her significant contributions to film, theater, television and music industries.

Her non-inclusion is to spare Ms. Nora Aunor from the emotional and psychological torment coming from the barrage of mixed reactions the award will bring. As she herself stated in her statement:

“Ano ba naman ang isang award kung ang kapalit neto ay paulit-ulit na paghamak sa pagkatao ko at sa mga taong naniniwala sa akin.”

“Sapat na po sa akin ang respeto natatanggap ko sa mga kasamahan ko sa trabaho.”

Salvador S. Panelo
Presidential Spokesperson & Chief Presidential Legal Counsel

Ilang taon na naman ang aantayin ng Superstar para kilalanin ng palasyo na noon pa ma’y dapat ipinagkaloob na sa kanya.

Bilang pangwakas, si Nora ang gumawa ng kasaysayan. Higit na kailangan sya ng industriyang ito. Mabuhay ka Ate Guy!

Leave a comment