May 22, 2025
Not a political propaganda—John Estrada stars in ‘The Last Interview’
Latest Articles

Not a political propaganda—John Estrada stars in ‘The Last Interview’

Mar 12, 2019

Idinenay ng magaling at award-winning actor na si John Estrada na isang political propaganda ang kanyang pelikulang “The Last Interview: The Mayor Antonio Halili Story” na kamakailan lang ay nagkaroon ng special screening sa SM Cinema sa SM Lipa City.

“Hindi naman maiiwasan ang ganoong bali-balita. Pero ako, bago ko gawin ito, klinaro ko siya sa producer ko at director ko na walang bahid pulitika dahil hindi ko siya gagawin kapag ganoon,” aniya. 

Nilinaw din niya na bilang actor, sinsero ang intensyon ng producer at director nitong si Ceasar Soriano sa paggawa ng pelikula: ang mailahad ang tunay na buhay ng ill-fated Tanauan mayor Antonio Halili na inspirasyon ang naging pamumuno sa kanyang mga constituents.

“I think this is my first biopic. This is not a political propaganda. This is a celebration of the mayor Halili’s life. Hindi ito pulitika kundi iyong lifestory niya talaga,” giit niya.

Hirit pa niya, bilib din daw siya sa katapangan ng pinaslang na mayor ng Batangas na walang takot sa kanyang adbokasya na masugpo ang drogang sa kanyang nasasakupan.

Sey pa niya, kinarir din daw niya ang paghahanda sa pagganap sa buhay ni Mayor Halili.

“Pinanood ko iyong kanyang mga interviews, pati iyong hilig niya sa pagkanta. Pati iyong buhok niya at mannerisms, inaral ko,” sey niya. 

“Kinausap ko rin siyempre si Ma’am Gina, at si Direk para maging authentic siya,” dugtong niya.

Kumpara sa kanyang mga kaibigang sina Richard Gomez at Joey Marquez, klinaro naman ni John na wala sa bokabularyo niya ang pumasok sa pulitika.

Mula sa produksyon ng Great Czar Productions at sa direksyon ng acclaimed director na si Ceasar Soriano, tampok din sa “The Last Interview: The Mayor Antonio Halili Story” sina Ara Mina, Martin Escudero, Yayo Aguila, Kate Alejandrino, Noel Comia, Jr. Mon Confiado at JM Soriano.

Ang pelikula ay magkakaroon ng regular theatrical run sa Mayo ngayong taon.

Leave a comment