May 25, 2025
“We did not expect that the film would hype up Sagada as a tourist destination. But please don’t blame us, rather let’s help each other to preserve the beauty of the mountain.” -Bianca Balbuena (Producer of That Thing Called Tadhana)
Latest Articles

“We did not expect that the film would hype up Sagada as a tourist destination. But please don’t blame us, rather let’s help each other to preserve the beauty of the mountain.” -Bianca Balbuena (Producer of That Thing Called Tadhana)

Apr 13, 2015

Ruben Marasigan
by Ruben Marasigan

Pinarangalan bilang Pinaka-Pasadong Pelikula Ng Taon ang That Thing Called Tadhana na tinampukan nina Angelica Panganiban at JM De Guzman na nanalo ring Pinaka-Pasadong Aktor sa katatapos na Gawad-Pasado na ginanap Sabadong gabi, April 11, sa auditorium ng San Sebastian College-Recoletos.

Ang director nito na si Antoinette Jadaone ay na-late sa nasabing awarding ceremony. Kaya ang producer ng pelikula na si Bianca Balbuena ang umakyat sa stage para tanggapin ang trophy.

Very happy!” sabi ni Bianca nang makausap ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) matapos niyang tanggapin ang nasabing tropeo.

“Sa screenplay, lagi naman kaming nananalo. Pero we’re very happy dahil first acting award ni JM (de Guzman) itong sa Gawad-Pasado for That Thing Called Tadhana. Si Angelica (Panganiban) nakadalawa na, e. Yung sa Cinema One tapos sa Gawad-Tanglaw.


Yung mga recognitions na nakukuha ng pelikula at maging ng mga bida nga rito na sina Angelica at JM ang nagbibigay-inspirasyon daw sa kanila to do more films.

And titingnan natin kung may sequel itong Tadhana. Tingnan natin. May plano, pero hindi pa alam kung talagang tuloy na nga.

Kamakailan ay nagkaroon ng issue tungkol sa That Thing Called Tadhana. Mayroon kasing umapela sa social media at isinisisi kay Direk Antoinette at sa pelikula ang biglang pagdagsa ng mga turista sa Sagada at sinasabing hindi maganda ang magiging epekto nito sa nabanggit na lugar.

We just wanted to tell a story,” ani Bianca. Noong na-broken-hearted si Tonette (palayaw ni Direkt Antoinette), una niyang pinuntahan ang Sagada. According to her, malaki ang naitulong nito sa kanya na makapag-move on. Kaya gusto niya makatulong sa mga tao na kung kailangan ninyong mag-move on, may mapupuntahan kayong kagaya ng Sagada.”

Maging si Angelica Panganiban ay nagbigay din ng pahayag sa kanyang social media account kung saan sinabi nito na panatilihing maayos at malinis ang Sagada, itapon ang mga basura at iwasan ang pagkakakalat sa naturang lugar kung magnanais bumisita. Hindi hangad ng naturang pelikula ang makasira ng isang magandang lugar katulad ng Sagada.

Hindi po namin in-expect na gano’n po ang mangyayari. Pero sana hindi po i-blame sa amin. Sana magtulungan na lang tayo. Kasi hindi po namin kayang kontrolin yung mga tourists. Patuloy na lang kaming magsi-share ng stories namin. Iyon na lang.” ending na nasabi ni Bianca.

Leave a comment

Leave a Reply