June 14, 2025
Not lovers? How Marvin describes Markki
Latest Articles This is it!

Not lovers? How Marvin describes Markki

Nov 23, 2017

Nali-link sa isa’t-isa sina Marvin Agustin at Markki Stroem.

Spotted daw kasi ang dalawa na magkasama sa bakasyon sa Hong Kong at Amerika.

May ilan ding nagsabing nakita raw nilang magkasama sina Marvin at Markki sa isang beach sa Batangas.

Ang ilan naman ay nakapansing magkakaparehong lugar daw ang ipinu-post ng dalawa sa kanilang social media accounts.

Binigyang kulay ng iba ang mga pagkakataong magkasama sina Marvin at Markki.

Pagsasalarawan ni Marvin kay Markki,

“He’s a good friend.”

Hindi naman apektado si Marvin sa mga nagbibigay ng malisya sa pagkakaibigan nila ni Markki.

“Twenty-two years na ako dito (sa showbiz), wala na yatang makakapagpapikon sa akin.”

Samantala, kasama si Marvin sa bagong drama series ng GMA 7 na Kambal, Karibal, na pinagbibidahan ng loveteam nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

Photo from instagram.com/kapusoprgirl
Photo from instagram.com/kapusoprgirl

Gumaganap si Marvin bilang si Raymond De Villa.

Mapapanood na ito simula sa November 27 pagkatapos ng Super Ma’am sa GMA Telebabad.

*************************

Si Justin Lee ang pangunahing bida sa indie film na “A Lasting Love To Remember” mula sa SMAC.

Kapareha niya rito si Kira Balinger. Mula ito sa direksyon ni Richie del Carmen.

received_10156081359971424

Ipinaliwanag ng binata kung bakit ito ang title ng kanilang pelikula.

“Kuwento po kasi ito ng pag-ibig na magla-last. Isa po itong love story na may touch din po about sa pamilya,” sabi ni Justin nang makausap namin.

Kamusta si Direk Ritchie bilang isang direktor?

Napakagaling po niyang direktor. Saka metikuloso po siya. Sinusuportahan niya po kami kapag may mga time na nagkakaproblema kami sa akting namin.  Ini-encourage niya po kami na mas galingan ang pag-arte namin.”

Hindi ito ang first time na nagbida si Justin sa pelikula.

Una siyang pinagkatiwalaan ng SMAC na magbida sa indie film rin na “Magkadugo.”

Pero hindi lang siya mag-isa ang bida rito kundi pati si Mateo San Juan. Anong feeling niya na may solo movie na siya?

Happy po ako and at the same time, kinakabahan. Siyempre po, hindi ko po alam kung tatangkilikin ng mga tao itong movie ko, pero sana po ay kumita ito. Ipagdarasal ko po na maraming manood ng movie. At sana po ay magustuhan ito ng mga manonood, sana ay ma-appreciate nila.”

Given a chance, sino ang gusto niyang makatrabaho sa pelikula?

Si Liza Soberano po,” sagot ni Justin.

Crush ko po kasi siya kasi maganda ang mukha niya at sexy.”

Kasama rin sa “A Lasting Love To Remember” si Shirley Fuentez na gumaganap bilang nanay ni Justin at ang dalawa pang members ng Hashtags na sina Paolo Angeles at Jimboy Martin.

Speaking of Kira, kasama siya sa all-female group na BFF5, na regular mainstay sa ASAP.

Kasama niya sa grupo sina Ylona Garcia, Loisa Andallo, Maris Racal at Andrea Brillantes.

Ayon sa kanya, close siya sa lahat ng kagrupo niya, pero ang pinaka-close sa kanya ay si Ylona.

Plano ni Kira na sumali sa mga beuty contest.

Gusto rin nya kasing makilala bilang isang beuty queen. Na sa tingin namin ay posibleng mangyari yun dahil maganda, sexy at matalino siya. Kayang-kaya niyang sumagot ng maganda sa question and answer portion.

Leave a comment