
Notable and noticeable sidelights of the 13th Gawad Tanglaw awards
Coco’s manifestation of respect with the Superstar, Ms. Nora Aunor
Nang dumating ang Superstar na si Nora Aunor at maupo, tumayo agad si Coco Martin sa kanyang kinauupuan at nilapitan si ate Guy sabay halik at yakap sa Superstar. Agad naglapitan ang mga TV crew at kamera para saksihan ang pagbabati ng dalawa. Matatandaang nagkaroon ng issue kina Nora at Coco nang maglabasan sa balita na kesyo may malaking halagang pagkakautang si Ate Guy sa aktor. Pinabulaanan ito ni Coco at humingi ng paumanhin sa aktres na may ganitong mga balitang kumalat. Ayon pa kay, Coco, bagama’t hindi sila nakapag-usap nang matagal, masaya na raw siya at natuldukan na ang diumano’y gap sa pagitan nila ng Superstar. Mataas daw ang respeto niya dito at isa ito sa tinitingalang artista sa industriya.
Coco-Julia sweetness
Kapansin-pansin din ang sweetness nina Coco at Julia habang magkatabing nakaupo. Panay din ang holding hands ng dalawa at kakaiba ang ngiti at glow ng mga mata nila kaya panay ang biro sa kanila ng press kung mag-on na sila dahil bagay naman silang dalawa. Ngiti lamang ang sagot ni Coco dito.
Piolo ang Angelica’s closeness
Magkatabi sina Piolo at Angelica sa table at panay ang kuwentuhan ng dalawa. Close ang dalawa dahil kaibigan ni Piolo si John Lloyd Cruz na boyfriend ni Angelica.
Richard Gomez’ offers award to wife, Cong. Lucy Torres
Sina Richard at ang asawang si Lucy Torres-Gomez ay katabi naman si Ms Gretchen Barretto at direk Chito Rono. Inialay ni Goma ang kanyang award sa kanyang ever-supportive and loyal wife.
Angel Locsin’s expression of credence to Julia’s deserving award
Tuwang-tuwa si Angel Locsin nang tinatanggap ni Julia ang kanyang first acting award, mahal na mahal daw niya si Julia at naniniwala raw siya sa husay ng bata bilang aktres.
Follow me…
Mary Rose G. Antazo
@maryroseantazo
/balot9